• May 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KRIS at BIMBY, nagpaalam na kay JOSH dahil sa Tarlac talaga gustong tumira; magkapatid, nagkaroon ng mahabang tampuhan

NAGPAALAM na ang mag-inang Kris Aquino at Bimby kay Josh.

 

 

Hindi na nga sila magkakasamang tatlo sa isang bahay dahil mas gusto na talaga ni Josh na sa Tarlac manirahan.

 

Nag-goodbye na sila kay Josh noong Miyerkules at iniwan na ‘to sa Tarlac. Birthday ni Josh sa June 4, so ewan lang kung babalik sina Kris at Bimby para makasama ito sa kanyang birthday.

 

Sabi ni Kris sa kanyang Instagram post kunsaan, makikita sa picture na magkakayakap silang tatlo na, “Namili na si Kuya Josh, gusto na nya talagang tumira sa Alto (our family compound) in what he calls, “Lola’s house,” in Tarlac.”

 

At dahil birthday ni Josh, nagdala ng 800 grocery bags si Kris bilang birthday outreach ng anak para sa mga pamilya sa naturang lugar.

 

Sa post din na ito ni Kris, nabanggit niya na nagkaroon pala ng tampuhan ang magkapatid, pero okay na raw ngayon.

 

Aniya, “The three of us said our goodbyes yesterday afternoon… Pabalik na kami ni Bimb to our serviced residence while the condo we’ll be leasing is being readied.

 

“We are not a perfect family, nagka-mahabang tampuhan yung 2 boys but nakuha talaga sa dasal, pasensya, at pagmamahal- finally kahapon naramdaman kong nabalik na yung dating higpit ng yakapan at kulitan/lambingan nung dalawa.”

 

Puwede raw niyang i-share ang kuwento dahil it’s about them. Pero yung ibang part ng family niya, which is her sisters and brother, hindi niya sine-share sa socmed dahil gusto niyang irespeto ang privacy ng mga ito.

 

May pa-quote pa siya sa huli ng linya sa ‘Warrior” song ni Avril Lavigne na, “I pick my battles because I know I’m gonna win the war.”

 

***

 

NAKA-PRIVATE message namin si Angelika dela Cruz or si Kapitana Angelika ng Malabon.

 

Kinamusta namin ito kung Kapuso pa rin ba siya dahil ang kasabayan niya at kasama ring artist under PPL Entertainment, Inc. na si Sunshine Dizon ay Kapamilya na.

 

Sabi naman niya, “Oo, GMA ako pero ayaw ko pa munang mag-soap. Daddy’s Girl lang muna, ayokong iwan ang mga anak ko.”

 

Katulad nga rin ng ibang artist ana during pandemic ay mas inaalala ang safety lalo na ng mga batang anak na maiiwan at dadatnan nilang muli sa bahay ang priority rin ni Angelica.

 

May offer rin daw sa kanyang soap ngayon, pero sabi naman daw niya, titingnan niya muna.  Siguro raw, kapag pumayag na ang lock-in taping niya ay hindi sobrang tagal.

 

Madalas kasi, pinakamaikli na ang two weeks hanggang one month na lock-in.  Sa parte niya raw, hindi lang ang pamilya ang inaalala niya kung magla-lock-in siya ng matagal, ang barangay rin niya.

 

“May barangay ako at kids kaya ang hirap mag-lock-in. Ang dami ko rin work ngayon sa barangay dahil sa pandemic. Kaya okay na rin na Daddy’s Girl muna,” tsika niya.

 

May wish nga siya.

 

Sabi niya, “Sana magpa-vaccine na ang mga tao para maging better na ang situation natin.”

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • VP Sara: Paggamit ng mga walang kredibilidad na testigo, itigil na

    HINIMOK ni Vice President Sara Duterte ang mga mambabatas na itigil na ang paggamit ng mga walang kredibilidad at kuwestiyonableng testigo upang sirain siya.     Tinukoy pa ni Duterte si Gloria Mercado na ­dating DepEd underse­cretary na ngayon aniya ay bahagi na ng political machinery laban sa kanya.     Ayon sa bise presidente, […]

  • ‘1st Sunday’ ng 2022: 4,600 bagong COVID-19 cases, naitala sa PH; 25 bagong patay

    Mula sa 3,617 sa unang araw ng bagong taon kahapon, tumaas sa 4,600 na bagong COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) cases ang naitala sa Pilipinas ngayong araw.     Base sa latest bulletin ng Department of Health (DOH), 21,418 na ang bilang ng aktibong kaso kung saan 769 ang asymptomatic o walang sintomas, 15,644 ang mild, […]

  • Tourism industry tuluyan ng bumabalik ang sigla – DoT

    MALAKI ang tiwala ng Department of Tourism (DOT) na tuluyan ng babalik ang sigla ng turismo sa bansa.     Ito ay matapos na magtala nasa 1.7 milyon na international arrivals sa bansa mula Enero hanggang Abril ngayong taon.     Sinabi ni Tourism Secretary Maria Cristina Frasco, na ang nasabing bilang ay mas mataas […]