• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KRIS, itinanggi na nagpapataas ng talent fee kaya ‘di ni-renew ng GMA Network

NAKAUSAP na namin dati pa si Kris Bernal bago siya nag-vlog tungkol sa pagkawala niya sa Kapuso network.

 

 

Tinanong din namin siya kung may sama ba siya ng loob, apprehensive pa itong umamin pero sinabi rin niya na, “Yes, oo, at first, nakaramdam ako ng kahit paano, sama ng loob, kasi ang tagal ko na sa network ‘di ba? Parang napatanong lang din ako sa sarili ko, ano ba ‘yung nagawa ko? May mali ba ‘kong ginawa? Kasi in fairness naman to me, hindi naman ako namimili ng project at saka, lahat ng ibinibigay sa akin, binibigay ko naman ang best ko.

 

 

  “Pero sa umpisa lang naman ‘yun, napapaisip ka. Pero naintindihan ko rin. Siyempre, pandemic. Apektado naman talaga lahat.”

 

 

Itinanggi rin niya ang isyu na kaya hindi siya ni-renew ng network dahil nagpapataas siya ng talent fee.

 

 

Sey niya rin sa vlog niya, “Hindi po totoo ‘yun, sabi ko, kahit babaaan niyo na, kahit ano lang po. I’m after you know, doing show because acting is my passion.”

 

 

At kaya raw tumanggap din siya ng project na at hindi na nahintay ang home network niya dahil kailangan din daw niyang mag-trabaho talaga. Pero sey niya, sobrang nagpaalam pa rin daw siya sa GMA-7.  At never raw niyang sisiraan ang network dahil very grateful and blessed nga siya rito.

 

 

Inamin din niya na totoong marami siyang kinausap na manager na possible na mag-manage sa kanya.  At ang manager nga raw niya ngayon ay sa ALV ni Arnold Vegafria. 

 

 

  “May mga project na rin siyang naka-line-up for me, may movie at series din pero ayoko munang sabihin baka hindi matuloy. Masarap lang pakinggan na may interested pa rin sa akin,” sey niya.

 

 

***

 

 

POSITIBO sa COVID-19 ang actor/Senator na si Lito Lapid.

 

 

Sa ngayon daw, nasa Medical City ito sa Clark, Pampanga.

 

 

Nakausap namin ang kanyang daughter-in-law na si Tanya Garcia na kasalukuyang nasa America kasama ang mga anak at ang mister na si Mark Lapid.

 

 

Ayon kay Tanya, dahil nga sa situwasyon ni Senator Lito, hindi maiwasang hindi mag-alala ni Mark.  Nagwo-worry raw ito sa kanyang Daddy, pero aware rin naman na kahit nandito sila sa Pilipinas, hindi rin sila makakalapit o mababantayan ito sa hospital.

 

 

Kaya timing na rin daw na schedule talaga nilang bumalik na ng bansa ngayong araw na ito from more than a month vacation din sa America.  Pero katulad ng ibang nanggaling ng ibang bansa, required din silang buong pamilya na mag-undergo muna ng ten days quarantine.

 

 

Sa ngayon, getting better naman daw ang kondisyon ni Sen. Lito kumpara raw kahapon.

 

 

***

 

 

NAPAKA-VOCAL ng actress na si Dina Bonnevie sa mga papuri niya sa co-star at ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

 

 

Sey niya  kasi na talagang noon pa, gusto niyang maka-trabaho si Alden.  At ‘yun nga, more than her expectation daw sa kanya si Alden.

 

 

At sa mga papuring binitawan nga kay Alden, hindi lamang ni Ms. D kung hindi maging ng isa pang award-winning actress sa GMA Primetime series na The World Between Us pwede ng malunod si Alden, huh!

 

 

Sabi ni Ms. D, “More than what I expected, kasi I thought. Kasi, I really wanted to work with Alden. Kasi nga, gusto ko lahat ng mga now na artista, up and coming supertstar, gusto kong maka-trabaho and I was so happy to have given the chance to work with Alden.”

 

 

Tila nakilala na nga nang husto ni Ms. D si Alden dahil hindi na lang abot-abot ang papuri niya rito bilang isang artista, bilang businessman na rin.

 

 

Sey pa rin niya, “Personally, I think, he’s very kind, very giving, very respectful, very gracious. He’s so gracioso. Such a gentleman and very generous.”

 

 

Kaya inunahan na ni Dina si Alden na ‘wag daw ikalalaki ng ulo nito ang mga papuring naririnig.

 

 

“I was actually surprise knowing him and finding that he’s actually more than what I expected. Hindi lang pala siya guwapo, pati ‘yung kalooban niya, guwapo rin.”

 

 

Season ender na this week ng The World Between Us. Ang isa sa main reason kung bakit may season ender ang serye para sa safety ng cast at crew ngayong sobrang taas pa talaga ng positive cases lalo na sa NCR.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Foreign envoys, winelcome ang paglaya ni De Lima

    WINELCOME ng European Union (EU) at ni US ambassador Marykay Carlson ang paglaya ni dating Senador Leila de Lima matapos ang mahigit na 7 na taong pagkakabilanggo dahil sa kasong ilegal na droga.     Sa  kanyang X ( dating Twitter) account,  sinabi ni EU Ambassador Luc Veron  na siya ay  “Very pleased by the […]

  • Pumalag ang ilang mga mambabatas sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na maging patas naman sa Kamara

    Pumalag ang ilang mga mambabatas sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na maging patas naman sa Kamara patungkol sa mga umano’y kongresista na dawit sa korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).   Giit dito ni Committee on Justice Vice Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin, dapat na pangalanan na ngayon ng […]

  • OFFICIAL TRACE APP, INILUNSAD SA MAYNILA

    INILUNSAD  kahapon sa lungsod ng Maynila ang Official Tracer App ng Pilipinas para sa mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Nanguna sa launching ng naturang App, na tinatawag na ‘staysafe.ph’ ay sina Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, COVID testing Czar Secretary Vince Dizon, Tracer Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, at […]