KRIS, pinasalamatan at binati ang ‘special someone’ sa kaaarawan nito; pahulaan kung sino ang tinutukoy sa IG post
- Published on August 12, 2021
- by @peoplesbalita
PALAISIPAN at pahulaan na naman kung sino ang ‘special someone’ na tinutukoy ni Kris Aquino na IG post niya na kung saan may mensahe na: Thank you for coming into my life… Happy Birthday!
May caption ito na, “i thought long and hard whether to upload this, because i know what kind of speculation i’ll be starting… BUT he really did come when my grief was unbearable; he continues to give me unselfish support & comfort; he’s been around for all my ups and downs, health woes, and tears- plus bimb likes him… most of all he makes me feel taken care of, secure, and SAFE.
“So he is deserving of this birthday greeting that all of you are now seeing (care bears na kung anong iisipin ninyo) BECAUSE for me he is #special.”
Natuwa naman ang celebrity friends and followers ni Kris sa kanyang post, at isa nga rito si Angel Locsin na napa-Ayyyyyy na lang.
Maging ang nali-link sa kanya na si Atty. Gideon V. Pena ay nag-react ng, “I’m happy when you are happy.” Say naman ng netizens, sana raw ay sila na lang ni Kris.
May nag-Google naman kung sinu-sino ang nagbi-birthday ng August, lumabas na may newscaster, politician, at basketball player.
Oh well, abangan na lang natin sa mga susunod na araw kung mabubunyag ang special someone na ito ni Kris.
***
GRABE ang paghahanda ng avid fans at fanbases ni Jeon Jungkook, ang kilala rin bilang ‘Golden Maknae’ ng BTS, na magsi-celebrate na ng kanyang 25th birthday sa September 1.
In-announce na ng fans ni Jungkook mula sa Japan kilala na ‘JKnekkkoya’ ang kanilang project na I-illuminate ang 234-meter (768 ft) tall na Fukuoka Tower para I-commemorate 25th Birthday ni Jungkok.
Magaganap #HappyJungkokDay mula 7:45 hanggang 7:55 nang gabi, na mapapanood ng live para masaksihan ang Illumination ng Fukuoka Tower, ang most iconic, tallest building and the tallest seaside tower sa Japan.
Hindi naman magpapatalo ang biggest Chinese fanbase ni JK na famous sa kanilang generosity pagdating sa kakaibang pasabog sa pagsi-celebrate ng birthday ng sikat na BTS member taon-taon.
Sa bonggang celebration this year, si JK ang first artist in the world na magkakaroon ng themed cruise parade with custom-made illumination show.
Siya rin ang first artist na magkaka-onboard exhibition and birthday cafe habang nagta-travel sa Han River, na hindi biro ang gagastusin ng Chinese ARMY.
Ganun din sa in-organize nila na maglalagay kay JK as World First Individual na tatanggap ng ‘Immersive 360 Digital Exhibition & Virtual Reality Exhibition’ na gaganapin Manhattan, New York.
At dahil sa event na ito, china Bar naman ang magiging World’s First Artist Fanbase na mag-o-offer ng VR Fan experience.
Nakapag-set din ng record ang Chinese fanbase ng donasyon na umabot sa 6M RMB ($926,000) sa shortest time sa history ng K-pop Fanbase.
Isa nga ang birthday ni Jungkook sa special events ng BTS na inaabangan every year ng BTS’s Army dahil sa series of projects ng kanilang mga fanbases, na mas grandioso ngayong 2021.
(ROHN ROMULO)
-
TOM CRUISE UPS THE STAKES WITH DEADLIER STUNTS FOR NEW “MISSION: IMPOSSIBLE” FILM
ON the first day of principal photography on Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One, Tom Cruise drove a motorbike off a mountain. Specifically, he drove a custom-made Honda CRF 250 off a purpose-built ramp on the side of Norway’s Helsetkopen mountain, a vertiginous rock face sat some 1,200 meters above sea level. Then he […]
-
Bicol pinalubog ni ‘Kristine’: 7 patay!
PINALUBOG ng bagyong ‘Kristine’ ang Bicol region na nagresulta sa pagkamatay ng pito katao habang libu-libo ang inilikas , Miyerkules. Sa ulat ni PNP-Bicol chief, PBGen. Andre Dizon, ang mga naitalang nasawi ay mula sa Naga City, bayan ng Palanas sa Masbate at sa Bagamanoc sa Catanduanes habang mula naman sa Paracale town sa […]
-
Nat’l Maritime Council sa gitna ng ‘range of serious challenges’, tinintahan ng Pangulo
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 57 na lilikha ng National Maritime Council (NMC) para palakasin ang maritime security ng Pilipinas at itaas ang maritime domain awareness ng mga filipino sa gitna ng agresibong taktika at pagbabanta ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS). Sa anim na […]