• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kristian Yugo Cabana nilangoy unang ginto sa Batang Pinoy

VIGAN CITY – Nilangoy agad ni Kristian Yugo Cabana ng Lucena City ang unang gintong medalya sa PSC-Batang Pinoy National Championships – Boys Under 12 swimming na ginanap sa Quirino Stadium, Sabado.

 

Nagtala si 12-year-old Cabana ng 2:29.50 minuto sa 200 LC Meter IM sapat upang ikuwintas ang gintong medalya sa event na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni chairman Jose Emmanuel “Noli” M. Eala.

 

“Very proud po ako at nagulat ako sa time ko,” saad ni Cabana na pangarap maging Olympian pagdating ng araw.

 

Ang nasabing edition ng batang Pinoy ay suportado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Education (DepED) kasama ang Milo Philippines, Pocari Sweat, Otsuka Solar Philippines, Universal Robina Corporation, Coca-Cola Beverages Philippines, Globe Telecom at Beautéderm.

 

Nakopo ni Kevin Bryle Chan ng Valenzuela City ang silver sa nirehistrong 2:33.40 minuto, habang bronze si Daniel Jonas Ocampo ng Angeles City matapos ipasa ang oras na 2:35.30 minuto.

 

Naikuwintas naman ni Kyla Louise Bulaga ang gold medal sa Girls 12 & Under ng La Union Province (2:44.45), habang silver at bronze sina Makayla Bettina Fetalvero ng Ilocos Sur (2:51.80) at Eunice De Guzman ng Bulacan (2:52.59).

 

Ikakasa ngayong araw ang cycling, chess, athletics, archery at weightlifting, simula na rin ang virtual sports na wushu at muay. (CARD)

Other News
  • MMDA walang balak mag-expand ng number coding scheme

    WALANG plano ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na palawigin ang number coding scheme sa Metro Manila dahil kumonti na ang mga sasakyan sa lansangan.     Ayon sa MMDA ay bumaba na ito ng 390,000 mula sa dating 417,000 na naitala noong May 5 at 405,000 bago pa magsimula ang pandemya noong 2020.   […]

  • Ads July 6, 2024

  • Bus terminal sa Quezon City, tinupok ng apoy

    TINUPOK ng apoy ang isang bus terminal sa Cubao, Quezon City hapon ng Pebrero 9, Huwebes.     Batay sa inisyal na ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:46 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa Araneta bus terminal na matatagpuan sa Time Square St., Brgy Soccoro, Quezon City.     […]