Kumakaway lang dati sa parada noong bata pa: ROYCE, first time na kasama sa movie na pang-MMFF at excited sumakay sa float
- Published on December 16, 2024
- by @peoplesbalita
FIRST ever entry sa Metro Manila Film Festival ni Royce Cabrera ang “Green Bones’ng GMA Pictures at GMA Public Affairs.
“First time ko po,” ang masayang bulalas ni Royce.
Pagpapatuloy pa niya, “Excited kasi, lalo na 50th year pa, so golden year na MMFF. Ang daming mga magandang activities. “Siyempre ang inaabangan ko dito, mapasama sa parade, kasi bata pa lang ako pag may parade kakaway-kaway lang ako.
“Pero finally, isa na ako sa tutuntong sa float, sasakay na and at the same time, yung solidong pelikula ng Green Bones, napasama ako.
“So malaking karangalan po yun para sa akin.”
Banggit namin kay Royce, masaya dahil ang matalik na kaibigan niya at kapwa GMA/Sparkle artist na si Kokoy de Santos ay may mga entry rin sa MMFF sa Pasko; ang ‘Topakk’ at ‘And The Breadwinner Is.’
Magkalaban sila sa filmfest, biro pa namin kay Royce, na tumawa muna bago sumagot.
“Well actually, pag napag-uusapan naman namin yun, kami naman po hindi naman namin iniisip na magkalaban, e.
“Kumbaga, parang sa amin ang goal namin this MMFF is mabigyan ng magandang pelikula, entertainment, yung mga tao.
“Dahil alam naman natin na kapag Kapaskuhan, for the family, friends, for anyone.
“Kaya sana suportahan nila lahat ng pelikulang Pilipino.”
Base sa trailer ng ‘Green Bones’ na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Ruru Madrid, seryoso at puno ng drama ang pelikula.
Since isang PDL o person deprived of liberty ang papel ni Royce sa ‘Green Bones’, ano ang naging pang-unawa niya sa sitwasyon ng mga totoong PDL?
May nakilala ba siya na isang tunay na PDL?
“Kawawa po talaga,” sambit ni Royce.
“May mga ilan po sa amin na parang yung during research na parang pinakita, ganun.”
Ano ang naramdaman niya?
Lahad niya, “Kawawa po kasi, kumbaga sa akin two sides, e! Meron yung nakagawa talaga ng kasalanan, meron yung napagbintahan lang.
“So yung mga nakagawa ng kasalanan, may mali sila, ganun, pero kita mo sa kanila yung pagbabagong nangyayari sa kanila, e.
“Parang kung titingnan mo nga, parang sa itsura nila, panlabas na itsura, pero yung anghel talaga yung mga pagbabagong nangyayari sa kanila“And yung isa naman is yung mga siyempre, kakulangan po ng hustisya na talagang mga walang kasalanan, napagbintangan lang, pero binubuno nila yung taon na kailangan nilang bunuin.”
Sa direksyon ni Zig Dulay at sa panulat nina National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee at MMFF 2023 Best Screenplay winner [for Firefly] na si Anj Atienza, nasa Green Bones rin sina Alessandra de Rossi, Ronnie Lazaro, Wendell Ramos, at sina Iza Calzado at Nonie Buencamino sa espesyal na partisipasyon.
Katuwang sa produksyon ang Brightburn Entertainment at distributed ng Columbia Pictures, nasa Green Bones rin sina Mikoy Morales, Sofia Pablo, Sienna Stevens, Kylie Padilla, Pauline Mendoza, Victor Neri, Ruby Ruiz, Gerhard Acao, Raul Morit, at Enzo Osorio.
Mapapanood ang ‘Green Bones’ sa mga sinehan simula sa araw ng Pasko.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Bumalik sa track ang Creamline, pinabagsak ang Troopers UAI-Army
Pinasigla ng Creamline ang opensa nito sa kahabaan upang talunin ang UAI-Army, 25-12, 25-18, 23-25, 25-23, at muling buuin ang ilang uri ng momentum para sa grand slam drive nito sa Premier Volleyball League Reinforced Conference sa Smart Araneta Coliseum noong Sabado. Nakabawi ang Cool Smashers mula sa maagang eight-point (2-10) deficit sa fourth […]
-
COVID-19 curve flattening posible sa Setyembre – UP experts
Posibleng maabot na ang ‘flattening the curve’ sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa katapusan ng buwan o Setyembre, ayon sa research group mula University of the Philippines (UP). Sa reproduction rate ng COVID-19, bumaba ito sa 1.1 mula 1.5 makaraan ang mas mahigpit na quarantine sa Metro Manila at karatig probinsya, ayon kay […]
-
Boxing superstars superfight: Alvarez vs Golovkin kapwa pasok sa weigh-in
Tumimbang ng 167.8 pounds o bahagyang mabigat si Gennady “GGG” Golovkin habang mayroong 167.4 lbs. naman si Saul “Canelo” Alvarez para sa kanilang trilogy fight sa Las Vegas bukas, Setyembre 18. Tiniyak ng 40-anyos na Kazakhstan boxer na hindi na niya palalampasin ang pagkakataon na talunin na ang Mexican superstar. Sa […]