• May 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kumita agad ng P85M at pinalabas sa 1,000 cinemas worldwide: ‘Hello, Love, Again’ nina sa ALDEN at KATHRYN, nakuha ang highest opening gross for a local film

NAKAPAGTALA ng highest opening gross for a local film ang Hello, Love, Again, ang reunion movie nina Alden Richards at Kathryn Bernardo mula sa Star Cinema, ABS-CBN Studios at GMA Pictures.

 

Nagbukas ito last November 13, na sinimulan sa midnight screening (75 cinemas) at umabot ng 656 na sinehan ang ordinary screenings nationwide at 1,000 cinemas worldwide.

 

Ang first-day gross nito ay P85M ayon sa report, pinakamalakas ito sa history ng Filipino movies. At sa sangkaterbang block screenings, inaasahan na malalampasan ng HLA ang record ng first teamup ng KathDen na ‘Hello, Love, Goodbye’ na may total revenue ng P880 million.

 

Kaabang-abang din kung muling makukuha ng HLA ang highest-grossing Philippine film of all time na hawak ngayon ng 49th MMFF entry na ‘Rewind’ nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na kumita ng P1.2 billion at the worldwide box office.

 

Samantala, umalma ang KathDen fans sa vloggers na nagpapakalat spoilers na mula ng video clips na ninakaw mula sa ‘Hello, Love, Again’. Kawawa naman ang hindi pa nakakapanood, nasira ang kanilang excitement.

 

Ang lalakas ng loob ng mga vloggers na para lang sa kanilang views ay walang pakialam sa batas tungkol sa Anti-Piracy.

 

Kaya may nag-post ng kaukulang batas na may parusa sa mga taong kumukuha at nagbi-video ng pelikula sa sinehan.

 

Ayon ito sa Republic Act No. 10088 o “Anti-Camcording Act of 2010,” na may ipinakikitang paalala sa mga manonood tungkol dito bago simulan ang pagpapalabas ng pelikula.

 

May panawagan sa social media ang cast at producers na itigil na ang mga namimirata.

 

“True love shouldn’t be forcefully stolen, only experienced. Kindly report ALL pirated ‘Hello, Love, Again’ content:

 

 

“Send email to Report-Piracy@abs-cbn.com

 

 

“Email subject: Report Piracy (Hello, Love, Again)

 

 

“Please provide LINKS of pirated content. Let’s protect the love that Joy and Ethan fought hard for.”

 

 

Congrats Alden and Kathryn at sa bumubuo ng ‘Hello, Love, Again.”

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads December 9, 2023

  • Mga Pinoy cue artists pasok na sa 2nd round ng US Open Pool Championship

    Pasok na sa ikalawang round ng US Open Pool Championship ang mga billiard players ng bansa.     Pinangunahan ni Dennis Orcollo at Carlos Biado at pitong iba pang Filipino ang pag-usad sa ikalawang round ng torneyo na ginaganap sa Harrah’s Resort sa Atlantic City, New Jersey.     Unang tinalo ng Asian gold medalist […]

  • ‘Emergency sa bigas’ nakaamba

    MAY  sapat na datos at katwiran para magdeklara ang Department of Agriculture (DA) ng Food Security Emergency on Rice. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na malaki ang tsansa na maaprubahan ng National Price Coordinating Council ang rekomendasyon na magdeklara ng emergency sa bigas. Dagdag pa ni Tiu Laurel na […]