• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kung bakit hindi nagsuot ng ‘pink shirt’… ANGEL, ayaw mahaluan ng pulitika ang pagbibigay niya ng relief goods

IPINALIWANG ng aktres at kilala ring philanthropist na si Angel Locsin, kung bakit hindi niya sa nagsusuot ng ‘pink shirt’ habang nagdi-distribute ng relief goods sa typhoon victims.

 

 

Alam naman ng lahat na very vocal na supporter si Angel sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo.

 

 

May isa kasing follower na tila nabahala sa photos na nakunan sa Palo, Leyte na kung saan nakikipagkamay siya kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na suot ang “Sara All” shirt, baka raw ito magamit at palabasin na ‘di na niya sinusuportahan si VP Leni.

 

 

Sa tweet ng fan ni Angel, “Ang nakakatakot lang gamitin nila yon picture as fake news ….. na BBM na si Angel Locsin sana nakasuot ng pink t-shirt si Angel.”

 

 

Kaya naman sumagot ang asawa ni Neil Arce ng, “Hello! Hindi po talaga ako nagsuot ng pink or campaign shirt para hindi po mahaluan ng pulitika ang pagbibigay ng relief goods… lablablab lang po tayo dahil ang kailangan naman po ng mga affected ng landslide ay magtulungan tayo.”

 

 

After na personal na nag-distribute relief packs si Angel sa mga pamilyang nasalanta ng Typhoon Agaton, nangampanya din siya na mag-house-to-house para kina VP Leni at running mate na si Sen. Kiko Pangilinan.

 

 

Post pa niya, “Kumausap. Makinig. Tao sa tao. Puso sa puso. Sama ka na! #IpanaloNa10ParaSaLahat.”

 

 

***

 

 

WINELCOME ni Kapuso Chef and food explorer JR Royol ang actor and athlete na si Matteo Guidicelli bilang special guest sa kanyang weekly cooking show na Farm To Table sa GTV.

 

 

Chef JR goes out on a culinary trip kasama si Matteo on the trails of Pestano Farm sa Antipolo, Rizal, upang magluto ng delectable dishes at ma-experience ang various activities while sharing funny and inspiring stories.

 

 

Sisimulan nila ang araw by brewing locally produced Cacao Tea using organic eggs and some habanero and padron peppers fresh from the farm. Magpi-prepare sila ng steak and eggs for breakfast.

 

 

Pagkatapos ay pupunta sila sa Lagoon Area where para manghuli ng fresh Pangasius na gagamitin nila para sa Fish in Lemon Butter Sauce with Thai Mango Salad.

 

 

Chef JR will be using some of the farm’s fresh herb produce in preparing the Lemon and Lime Marmalade served with Herb bread baked in a makeshift oven.

 

 

Samantala, ipamamalas ni Matteo ang kanyang cooking skills by preparing his personal Spaghetti Aglio e Olio.

 

 

While bonding over food, pag-uusapan nila ang common interests, their mutual love for food, family life, and Matteo’s growing interest in farm life.

 

 

Kaya don’t miss Chef JR Royol and Matteo Guidicelli’s exciting food adventure in Farm To Table this Sunday, April 24, at 7 p.m. on GTV.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Senator-elect Francis Escudero, ikinokonsidera ang Senate presidency bid – Tulfo

    IBINAHAGI ni Senator-elect Raffy Tulfo na ikinokonsidera umano ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang Senate presidency.     Ayon kay Tulfo, tinawagan niya si Escudero para tanungin kung may balak itong tumakbo para sa mataas na posisyon sa Senado. Aniya, pinag-iisipan pa ni Senator Escudero hinggil sa naturang usapin.     Isiniwalat din ni Tulfo […]

  • ‘Resident Evil’ 2021 Movie Poster Teases The Origins Of The T Virus And Zombie Outbreak

    THE Resident Evil: Welcome To Raccoon City poster teases the origins of the T Virus and zombie outbreak in the titular American city.     The 2021 film is inspired by Capcom’s iconic survival-horror video game franchise. It is unconnected to the first Resident Evil film series that was directed by Paul W.S. Anderson, with Johannes Roberts taking on directorial duties. […]

  • Balitang positibo raw sa shingles: KRIS, kailangan pa rin ng matinding dasal

    İSA sa highest paid TV host ngayon ang Kapamilya aktres Anne Curtis.       Hindi rin kataka-takang isa rin ang aktres sa may malalaking kinita sa mga showbiz personalities.       Marami-raming celebrities na ang tinalbugan si Anne as far as showbiz earnings at isa na rito si Kris Aquino na may ilang […]