• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kung dati ay ready sa kahit anong role: MIGS, nagbago ng image kaya wholesome na ngayon

NAKILALA si Migs Almendras sa paglabas sa mga gay themed series tulad ng ‘Hello Stranger’, ‘Unlocked’, ‘Lonely Connection’, at ‘Memories of a Love Story.’ 
Sinubukan din niya ang maging daring sa sex-comedy series ng Vivamax na ‘High on Sex.’
Pero simula noong pumirma siya as one of Sparkle’s newest talent, nabago na raw ang priorities niya sa kanyang career.
“Before kasi ready ako for any role given to me. Straight, gay, bisexual, kaya kong gawin. Nasabi ko pa nga na ready akong mag-frontal nudity basta maganda ang project. Ngayon more on being wholesome na tayo. Decision ko na rin iyon para maiba na yung image natin,” sey ni Migs.
Kinukuha si Migs na host sa mga corporate events at tuwing may mediacon sa GMA-7. Lumalabas din siya sa ‘Black Rider’ at ngayon sa ‘Binibining Marikit’ bilang isa sa kontrabida ni Herlene Budol.
“Thankful po ako sa tiwala na binibigay ng Sparkle sa atin. Ito na nga yung bagong image na gusto nating ipakita ngayon. Tuluy-tuloy po sana ang pagdating ng mga magagandang projects sa taong ito.
***
MALINAW ng Drag Race Philippines judge na si Jervi Wrightson o mas kilala sa tawag na Kaladkaren nang sabihin nito na: “Ako pa rin po si Mrs. Jervi Wrightson.
Tinapos ng showbiz news presenter ang mga tsismis na kumakalat na on the rocks ang relasyon niya sa kanyang British husband na si Luke Wrightson. 
“Lilinawin ko lamang po ‘yung issue tungkol sa amin ni Luke. You know, our marriage is not perfect. Katulad ng ibang couples, siyempre may misunderstandings, mayroong challenges. And hindi rin po nakakatulong na minsan hindi kami magkasama because Luke is working abroad.
“But for 13 years, sinubok na po kami ng panahon at araw-araw pinipili po naming mahalin ang isa’t isa. So, kami pa rin po. We’re still together. Wala po kaming problema ni Luke. Masaya po kaming mag-asawa. Katunayan nga, umuwi ng Pilipinas, kakarating lang po kaninang tanghali.
Hiniling din niya sa mga tao na maging maingat sa kumakalat na “fake news” online tungkol sa kanyang relasyon.
“I think ang moral of the story, we have to be responsible with the content that we receive and consume. ‘Yung mga napapanood natin online, mag-ingat po tayo sa fake news and of course ‘di ba lets mind our own business.”
Ikinasal sina Jervi at Luke noong September 2024 sa Scarborough, United Kingdom.
(RUEL J. MENDOZA)
Other News
  • PBBM sa Kongreso, aprubahan ang 2025 budget na may kaunting rebisyon

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga mambabatas na aprubahan ang executive-crafted National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2025 sa kanilang ” usual timely manner” at umaasa na mayroon lamang na kaunti hanggang sa walang rebisyon o pagwawasto. “We look to the cooperation of our colleagues in the legislature, not only that our […]

  • JUANCHO, na-witness lahat kung paano ipinanganak ni JOYCE ang kanilang baby boy

    BREAK na si Ciara Sotto sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Ian Austin.     Nagpa-Q&A ito noong July 2, birthday niya mismo.     May nagtanong kay Ciara kung sila pa ba ng boyfriend.          “Nope, I’m single now,” ang pag-amin niya.          “I’m single again,” natawang sabi pa niya. […]

  • DA, nanawagan sa mga lokal na opisyal ng Luzon na makipagtulungan sa gobyerno para sa paghahatid ng suplay ng pagkain sa NCR

    NANAWAGAN ang Department of Agriculture sa lahat ng mga provincial chief executives at sa mga municipal mayors sa luzon na mangyaring makipagtulungan sa gobyerno upang hindi maantala ang paghahatid ng suplay ng pagkain sa National Capital Region at mga karatig- lalawigan na muling isinailalim sa modified enhanced community quarantine (mecq). Nakarating kasi kay Agriculture Sec. […]