• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kung dati ay si Carmi Martin ang maiisip: ARA, pinabilib nang husto si Direk JOHN sa kanyang pagganap

GUMAGANAP sina Sue Ramirez at Jake Cuenca sa Jack and Jill Sa Diamond Hills bilang sina Jill at Jack respectively na mga pulis.

 

 

Sa tunay na buhay ba ay naging ambisyon ni Sue na maging policewoman?

 

 

“Cashier,” ang tumatawang mabilis na sagot ni Sue.

 

 

“Lahat ng batang babae nangangarap na maging cashier, di ba? Oo, lahat.”

 

 

Totoo ba, ang maging cashier ang childhood dream ni Sue?

 

 

“Opo, totoo po iyon!

 

 

“Pulis parang hindi sumagi sa isip ko. Parang mas doktor.

 

 

“Pero di ba, kahit papaano ang dami-dami na naming napo-portray na characters kaya ang saya din po actually ng trabaho namin talaga, we get to be different types of people, even people that you didn’t even want to become, you become.

 

 

“So it makes you more humble, more understanding towards others also. So iyon kahit hindi ko siya pangarap sobrang nag-e-enjoy kaming gawin,” pahayag pa ni Sue.

 

 

Sa direksyon ni John ‘Sweet’ Lapus, ang ‘Jack and Jill Sa Diamond Hills ay mula sa TV5, APT Entertainment at Cignal TV at napapanood tuwing Linggo, alas sais ng gabi.

 

 

***

 

 

SAMANTALA, mas nakapokus ngayon si John ‘Sweet’ Lapus sa pagdidirek; ang latest na proyekto niya bilang direktor ay ang ‘Jack And Jill Sa Diamond Hills.’

 

 

Kilala ring artista bilang komedyante si Sweet sa pelikula at telebisyon, kaya tinanong namin siya, kung sakaling may offer na sabay darating sa kanya, ang isa ay bilang artista at ang isa ay bilang direktor, ano ang tatanggapin niya?

 

 

“Oh my God, sabay io-offer?

 

 

“Oh, oh my God! Anyway, artista pa rin po pala ako so… hindi naman po araw-araw ang taping nitong Jack and Jill, puwede pa po akong mag-guest!

 

 

“Pakisabi niyo po sa mga producers, oh. Star Magic pa rin po ang management ko, pareho po kami ni Jake ng handler at manager, si Allan Real po, kami pong tatlo Star Magic po kami,” sabay-turo sa mga katabi niya kina Jake at Sue.

 

 

“Oh my gosh, siguro kung sabay? Siguro ang magiging dahilan ng pagpili ko is the material.

 

 

“You have to understand ang tagal ko ng artista, almost thirty years na akong artista, so kung nagawa ko na yung role na yun medyo mas doon ako sa… mas pipiliin ko yung magdirek na most likely dahil nga baguhan pa lang akong direktor hindi ko pa nagawa kung ano man yung ididirek na iyon.

 

 

“To think na mas mataas ang talent fee ko as an artista kumpara as a director, pero to answer your question mas pipiliin ko yung hindi ko pa nagawa.”

 

 

Unang beses nagkatrabaho nina Sweet at Ara Mina (bilang direktor at artista) at puro papuri si Sweet sa aktres.

 

 

“Magaling si Ara dito,” bulalas ni Sweet.

 

 

Noon raw nabasa niya ang karakter ni Cleo Maharlika ng Jack and Jill Sa Diamond Hills, si Carmi Martin ang nai-imagine ni Sweet.

 

 

“Si Carmi Martin ‘to! E nagawa na lahat. Sino pa ba ang puwedeng next Carmi Martin?

 

 

“At si Ara Mina na po yun, i-quote niyo po ako.

 

 

“In fairness kay Ara. Di ba yung lagi kay Tita Carmi, yung sexy nanay na nakatatawa, sabi ko, ‘Sh*t sino pa?’

 

 

“Grabe isip kami ng isip nun, boom! Ara Mina. At nagawa niya po.”

 

 

Kasama din nina Jake, Sue at Ara sa ‘Jack and Jill Sa Diamond Hills’ sina DJ Onse, Nana Silayro, Nico Antonio, DJ Jhai Ho Hershey Neri, Willie Miller at Gardo Versoza.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • DELTA VARIANT SA CAVITE AT BATANGAS, LOCAL TRANSMISSION LANG

    KLINARO ni  Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Regional Director Eduardo C. Janairo  na ang limang kaso ng Delta variant sa rehiyon ay pawang mga local cases lamang at hindi isang local transmissions.     Ayon kay Janairo na may limang naiulat na kaso at sa limang naiulat, tatlo dito […]

  • Nabakunahang health worker namatay dahil sa COVID-19–DOH, FDA

    Nilinaw ng Department of Health at Food and Drug Administration na hindi COVID-19 vaccine ang nasa likod ng pagkamatay ng isang healthcare worker na napabalitang nabakunahan laban sa sakit.     Nitong araw inamin ng mga ahensya na noong March 15, isang healthcare worker, na naturukan ng COVID-19 vaccine, ang binawian ng buhay.     […]

  • Ads September 15, 2023