• June 22, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kung may mag-offer na isama sa comedy film: TERRENCE, hindi tatanggi na makasama si VICE GANDA

ILANG taon ring nawala sa limelight si Terrence Romeo at paliwanag niya…
“Nung nawala ako sa basketball na-injure kasi ako, so maraming mga times na nag-therapy at nagpapagaling ako.
“Pero still, nasa PBA pa rin ako and tuloy-tuloy pa rin ako ngayon. Healthy ako ngayon, tuloy-tuloy pa rin yung pagpapakondisyon ko.
“Hopefully, magkaroon pa rin ng mga panibagong chance na makapaglaro sa PBA or kung saan. Kasi last year ko ngayon, last year ng contract ko ngayong August, so kailangan kong tumingin na mga options.”
Samantala si Terrence ang napiling celebrity endorser ng online gaming na ABC VIP.
Paano napapayag si Terrence na tanggapin ang alok na ito sa kanya?
Lahad niya, “Unang-una kasi, yung main goal ng ABC VIP is makapag-inspire ng mga kabataan, makatulong, tapos magkaroon ng mga maraming charity.
“So ako personally, gusto ko maging part ng ganung programa. Kaya yun ang nagpa-yes sa akin.”
Pumupunta raw si Terrence sa mga outreach programs ng ABC VIP sa iba-ibang lugar at barangay.
Alam naman ng lahat na ang mga celebrities na nag-e-endorse ng online gaming naba-bash; paano ipapaliwanag ni Terrence sa publiko ang importansya ng online gaming, na walang masama dito?
“For me, siguro kailangan una, meron tayong discipline. Sa lahat ng bagay, dapat may discipline tayo, huwag sobra.
“So pag nag-online game sila, make sure na nandun yung discipline habang ginagawa nila yun and hindi naapektuhan yung buong… alam niyo yun, buong livelihood nila o kung ano man.
“So for me, yun yung pinaka-main na dapat, meron yung thinking ng mga nag-o-online gaming, disiplina,” saad ni Terrence.
Taong 2022 ay nasangkot ang dating karelasyon ni Terrence, si Beatrice Pia White sa mga kasong may kinalaman sa pera.
Ngayon, matapos ang mga pangyayaring ito, kumusta siya ngayon?
“Okay naman ako ngayon, focus lang ako sa sarili ko, focus ako sa family ko, focus ako sa career ko ngayon, kasi yun nga, sinasabi ko na mag-e-expire yung contract ko ngayong August, so meron akong mga chance para… may mga option ako na humanap kung saan ako puwedeng maglaro or kung ano man yung mangyayari sa career ko.
“So dun ako nagpo-focus ngayon at saka yun, part ako ng ABC VIP. Isa na rin ‘to sa focus ko, paano pa mas makakatulong sa mga kids, sa mga homeless na bata or sa mga tao na nangangailangan.”
Tumitingin na ba siya ng posibleng buhay niya at career sa labas ng basketball?
“Hindi, options sa mga puwede kong laruan na team. “Kumbaga gusto ko pa rin mag-basketball, hindi pa naalis yung mind ko sa basketball world. Yun lang, yung mga… kasi di ba sa basketball may contract ka, tapos may time na mag-e-end, tapos yun.
Ngayon, nandun ako sa time na patapos na yung contract ko, so puwede kong i-explore yung mga options na puwede kong gawin.”
Kasi baka puwede siya sa showbiz?
“Hindi yata ako marunong umakting, pero subukan ko, baka pag may opportunity, di ba? Or may offer.”
Kung sakali, may naiisip ba siya na role na tingin niya ay kaya niya o bagay sa kanya?
“Hindi ko alam kung magaling akong umakting, never akong nag-try.
“Pero kung may gagawin man ako, gusto ko yung sa mga action or alam mo yun, parang mga kontrabida, yung mga ganun. Gusto ko yung mga ganun.”
Kung comedy?
“Puwede din comedy.
“Alam ko na kung saan papunta yan e, wait-wait lang dun sa mga questions, kakabalik ko lang sa ano, pero parang masyadong mainit yung mga questions, kakabalik ko lang ulit ng… ngayon lang ulit ako lumabas sa social media, kalmahan lang muna natin yung mga questions.”
At dahil napadako na nga ang usapan doon, deretsahang tinanong si Terrence kung willing ba siyang magkasama sila ni Vice Ganda sa isang proyekto.
“Why not? Sino ba naman ako para tumanggi?”
Na-link noon sina Terrence at Vice.
Natanong naman si Terrence kung sino ang crush niya sa showbiz?
“Noong bata ako si Ma’am Jessy Mendiola.”
Ngayon?
“Hindi na ako nakakasubaybay sa mga ano e, sa mga showbiz.”
 
(ROMMEL L. GONZALES)