• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kung si ROBIN ay tatakbong Senador: WILLIE, hinihintay na ng kanyang fans kung magpa-file din ng COC

MUKHANG mapupuno ng showbiz personalities ang mga kakandidato sa coming national elections sa May, 2022. 

 

 

Sunud-sunod na ang mga nagpa-file ng kani-kanilang Certificate of Candidacy at marami pa ang naghihintay sa mga susunod pang magpa-file na hanggang ngayong Friday na lamang, October 8, kaya expected nang magiging parang fiesta ang huling araw ng filing.

 

 

Isa nga sa nag-file na ng kanyang candidacy si Robin Padilla, na nagdesisyon na ring tuluyan nang pasukin ang pulitika at tumakbong Senador sa PDP-Laban Cusi faction.

 

 

Kasama rin ni Robin na nanumpa ang kuya Rommel Padilla niya na tatakbo namang Congressman sa 1st District ng hometown nila sa Nueva Ecija.

 

 

Natagalan sa pagpa-file ng COC si Robin dahil hindi niya alam kung ano ang pipiliin niya, ang maging senador, governor ng Camarines Norte or mayor sa Jose Panganiban, Camarines Norte.

 

 

Humingi si Robin ng guidance at nagdasal siya kay Allah kung alin ang pipiliin niya.  Matatandaan na isinama  ni President Rodrigo Duterte sa list ng senatorial candidates nila sa PDP-Laban si Robin, Willie Revillame at Raffy Tulfo. 

 

 

Si Willie ay hinihintay ng mga fans niya sa Wowowin kung magpa-file na siya ngayong Friday ng kanyang COC.

 

 

***

 

 

HAPPY ang aura ni Kapuso young actress Bianca Umali, dahil open book naman ang relasyon nila ni Ruru Madrid.

 

 

Kaya nagtaka ang netizens na bakit siya nag-release ng isang heartbreak single titled “Itigil Mo Na,” under GMA Music, after niyang ma-nominate sa 34th Awit Awards for ‘Best Performance for a New Female Recording Artist’ and ‘Best Engineered Recording,’ para sa debut track niyang “Kahit Kailan.”

 

 

Ang “Itigil Mo Na” ay tungkol sa isang girl na na-in love sa isang boy na may iba namang babaeng gusto, sinulat ito ng award-winning writer-director-singer-songwriter na si Njel de Mesa.

 

 

Kaya naman ayon kay Bianca, nagustuhan niya ang song at may advice siya sa mga girls who are experiencing heartaches.

 

 

“The message of the song is that nagkakaroon talaga ng mga pagkakataon na sobra-sobra na tayong magmahal, to the point na hindi na natin kayang i-let-go ang taong mahal natin, kahit nahihirapan at ang sakit-sakit na. 

 

 

Kung may mga heartaches kayong pinagdaraanan, okay lang ‘yan, normal lang ‘yan. Huwag nating labanan o takbuhan ang hirap at sakit. Kung mapaglabanan at matiis natin, ito ang huhubog sa atin na mas mabuti, mas matibay at mas matapang na tao.  Worth it lahat ng sakit, trust me.”

 

 

Isa si Bianca sa cast ng GMA Primetime series na Legal Wives, at maihahawig ang song niya sa character niya as Farrah, the third wife of Ismael (Dennis Trillo), makaya ba niya ang heartaches na nararamdaman niya dahil sa dalawa pang legal wives ni Ismael na sina Alice Dixson at Andrea Torres?

 

 

Nasa last five weeks na lamang ang serye na napapanood gabi-gabi after 24 Oras.

 

 

***

 

 

TIYAK na excited na ang mga fans ng GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas dahil nagsimula na sila ng lock-in taping ng season two ng series.

 

 

Abangan kung sinu-sino ang mga bagong characters na papasok sa serye.

 

 

For the followers naman ng First Yaya, tuloy na rin ang season two nila. Balitang magku-quarantine na sila sa first week ng November, at tuloy na ang lock-in taping nila  hanggang sa Christmas break na.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Gobyerno ng Pinas, nagpaabot ng tulong sa mga OFWs sa HongKong na tinamaan ng Covid-19

    NAGPAABOT ng tulong ang gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Hong Kong, sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nag-positibo sa COVID-19.     Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang POLO ang siyang agarang nagbigay sa mga OFWs ng pagkain, hygiene kits at […]

  • AGE RESTRICTION, OKEY SA DOH

    PABOR ang  Department of Health (DOH)  sa direktiba ni  Pangulong Rodrigo Duterte  na manatili sa kasalukuyang age  groups ang papayagang makalabas ng kanilang mga tahanan.   Ayon sa DOH, ito ay upang mabigyan ng panahon ang kagawaran para sa dalawang cycle ng genome sequencing na may sapat na representasyon mula sa lahat ng mga rehiyon […]

  • Laban ni Holyfield at Tyson hindi na matutuloy

    Tinapos na ng kampo ni boxing legend Evander Holyfield ang usapin na magkakaroon sila ng laban ni Mike Tyson.     Ayon kay Holyfield na hindi kinagat ng kampo ni Tyson ang usapin na ikatlong paghaharap sana nila.     Ayaw aniya nilang masayang ang oras nila na patuloy na panghikayat na humarap si Tyson. […]