Kyle Kuzma: SEASON HIGH 40 POINTS
- Published on January 16, 2023
- by @peoplesbalita
Pinalamig ng New York Knicks ang katunggaling Washington Wizards sa katatapos pa lamang na laban ngayong araw.
Pinangunahan ng Knicks 26 year old point guard player na si Jalen Brunson ang kanyang team matapos nitong magpaulan ng 34 points , 8 rebounds at 8 assist.
Ito ang ika dalawampu’t apat na panalo ng Knicks ngayong season ng National Basketball Association dahilan upang manatili ito sa ika anim na pwesto para sa Eastern Conference ng NBA.
Solido naman ang naging kontribusyon ng New York Knicks small forward player na si Kyle Kuzma ng umiskor ito ng 40 points, 7 rebounds at 7 assist.
Apat na puntos ang naging lamang ng Knicks kayat hanggang sa mga huling minuto ng laro ay pinilit pa rin ng Wizards na umabante.
Naitala ng Wizards ang kanilang ika siyam na na talo sa sarili nilang baluarte sa Capital One Arena na pinanuod ng libo-libong NBA fans.
Samantala, nangunguna pa rin ang Boston Celtics sa standings para sa Eastern Conference ng National Basketball Association at mayroon itong record na 31 wins at 12 loses habang pumangalawa naman ang Brooklyn Nets na may 27 wins at 14 loses.
Sa Western Conference standings naman ng NBA ay pinangunahan ito ng Denver Nuggets na mayroong 28 wins at 13 loses.
Nasa pangalawang pwesto rin ang Memphis Grizzlies dala ang kanilang record na 28 wins at 13 loses. (CARD)
-
Kapalaran ng Elite, itataas ni Racela
UMANGAS lang ang Blackwater sa 44th Philippine Basketball Association Commissioner’s Cup 2019 na lumagak sa No. 3 pagkaraan ng 11-game eliminations sa 3-7 win-loss card, pumasok sa quarterfinals pero sinibak ng Rain or Shine 2-1. Bago magbukas ang 45th PBA Philippine Cup sa Linggo, Marso 8, abala ang pabango sa trade pero walang nadaleng […]
-
PBBM, mananatiling nakatuon ang pansin na mapababa ang presyo ng langis
GINAGAWAN ng paraan ng administrasyong Marcos na mapababa ang presyo ng langis kahit pa ito’y para lamang sa Kapaskuhan. “Yun ang tinatrabaho namin ngayon, na hindi tumaas ang fuel. At least not for Christmas man lang — if we could postpone and dahan-dahanin,” ayon kay Pangulong Marcos. “Masyado nang nahihirapan ang mga tao, ” diing […]
-
DILG gusto mailagay buong Pilipinas sa Alert Level 1
IMINUMUNGKAHI ngayon ng Department of the Interior and Local Goverment (DILG) na ilagay sa pinakamaluwag na COVID-19 restrictions ang Pilipinas para lalong makabawi ang ekonomiya sa epekto ng lagpas dalawang taong pandemya. Marso 2020 pa nang magsimulang magpatupad ng mga restrictions ang gobyerno sa pamamagitan ng iba’t ibang lockdowns at limitasyon sa mga […]