• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Laban ni Holyfield at Tyson hindi na matutuloy

Tinapos na ng kampo ni boxing legend Evander Holyfield ang usapin na magkakaroon sila ng laban ni Mike Tyson.

 

 

Ayon kay Holyfield na hindi kinagat ng kampo ni Tyson ang usapin na ikatlong paghaharap sana nila.

 

 

Ayaw aniya nilang masayang ang oras nila na patuloy na panghikayat na humarap si Tyson.

 

 

Unang sinabi kasi ng kampo ni Holyfield na tiyak na makakakuna ng $25 milyon si Tyson sa kanilang laban subalit ito ay hindi tinanggap.

 

 

Magugunitang ibinunyag ng 54-anyos na si Tyson na ito ay lalaban muli sa darating na Mayo 29 subalit hindi naman nito binanggit kung sino ang makakalaban nito.

 

 

Huling nagharap ang dalawa noong 1997 ng kagatin ni Tyson ang tenga ni Holyfield.

Other News
  • Para tulungan ang nano trade of vendors, vulcanizers: PBBM, nagpasaklolo sa ASEAN

    NAGPASAKLOLO na si Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. sa mga member-states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at mga  lider ng komersiyo sa rehiyon na suportahan ang mga nano business gaya ng “dispatch riders, repairers, market men and women” at iba pa sa kahalintulad na kalakalan.     Sa naging interbensyon ng Pangulo sa ASEAN […]

  • PH Jeanette Aceveda out na sa Tokyo Paralympics matapos magpositibo sa COVID-19 test

    Kinumpirma ng Philippine Paralympic Committee (PPC) na hindi na makakalaro sa kanyang event ang discus thrower na si Jeanette Aceveda sa 2020 Tokyo Paralympic Games matapos na magpositibo sa COVID-19.     Liban kay Aceveda, maging ang kanyang coach na si Bernard Buen ay nagpositibo rin sa isinagawang mandatory daily saliva antigen test at sa […]

  • 2 LABANDERA TIMBOG SA P3.4 MILYON SHABU

    NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit sa P3 milyon halaga ng shabu sa dalawang labandera na big-time umanong tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong mga suspek na si Mary Jane […]