• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Labis-labis ang pasasalamat sa mga parangal na natanggap: YASMIEN, kinilala naman bilang ‘Top Actress of the Year’ sa Brand Asia Awards

CONGRATULATIONS to “Start-Up PH” actress na si Yasmien Kurdi!  

 

 

Labis ang saya ni Yasmien sa panibagong papuri at karangalan na kanyang natanggap bilang isang actress, last December 3, kinilala siyang “Top Actress of the Year” mula sa Brand Asia Awards.

 

 

Ayon sa Instagram caption ni Yasmien: “Top Actress of the Year. Thank you Brand Asia Awards for this recognition.  I am extremely honored to receive this prestigious award.  Maraming salamat po! To God Be The Glory”

 

 

Sa comment section ng post ni Yasmien, binati siya ng husband niyang si Rey Soldavilla at ng kanyang mga fans at followers.

 

 

Kung matatandaan, last March, 2022, pinarangalan din si Yasmien bilang Asia’s Valuable and Significant TV Actress of the Year sa 5th Asia Pacific Luminare Awards.  At last October, kinilala naman ng Diamond Excellence Awards si Yasmien bilang Outstanding TV Actress of the Year.  Kaya labis ang pasasalamat ni Yasmien sa mga awards na natanggap niya this 2022.

 

 

Napapanood ang “Start-Up Ph” nina Alden Richards, Bea Alonzo at Yasmien gabi-gabi, 8:50PM after “Maria Clara at Ibarra, sa GMA-7.

 

 

***

 

TANONG ng mga netizens, ano ang upcoming ‘mega serye’ ng GMA Network na “Urduja Files?”

 

 

Excited ang mga viewers dahil bukod sa mga bigatin ang bumubuo sa cast na ipinakita na sa video kuha mula sa story conference nila the other day, sa Chika Minute ng “24 Oras.”  Si Kylie Padilla kasi ay gaganap na isang pulis, si Sanya Lopez naman ay ang legendary Princess Urduja at si Gabbi Garcia ay isang jeweller at may konting drama ang kanyang story.

 

 

“Tungkol ito sa drama, sa love story, historical din at fantasy, at halos action. Pwede rin itong pambata, matanda, mommy, daddy, buong pamilya, talagang magkakasundo sila kapag pinanood ito,” dagdag pa ni Sanya.

 

 

Balitang ngayong December na nila sisimulan ang taping ng “mega serye” na magtatampok din sa mga Kapuso hunk actors, at si Zoren Legaspi.

 

 

***

 

PANSAMANTALA na bang iniwan ni Jeffrey Hidalgo ang pagkanta na sinimulan niya noong 1989, bilang isa sa miyembro ng group na itinatag ni Maestro Ryan Cayabyab, ang Smokey Mountain?

 

 

Busy na kasi ngayon si Jeffrey bilang isang director at actor.  Unang movie na dinirek niya ang “Silong” nina Piolo Pascual at Rhian Ramos in 2015.  Nasundan na ito ng pagdidirek niya for Vivamax, with “Eva” ni Angeli Khang and “Lampas Langit” with Christine Bernas and Ricky Davao.  Dito nanalo si Direk Jeffrey ng Best Director Award sa International Filmfest Manhattan.

 

 

Sa TV, naidirek niya ang “Inday Will Always Love You” at “TODA One I Love” sa GMA Network.

 

 

Naging TV actor din siya sa soaps like “Kadenang Bulaklak,” “Pangako sa “Yo” at ang latest serye niya, na kasalukuyang ipinalalabas ngayon, ang “Flower of Evil.”

 

 

Kasabay din ito ng pagiging actor niya sa Viva Metro Manila Filmfest horror entry, ang “Deleter,” at ito ang biggest movie role niya.  Ang deleter daw ay basically editors, their job is to delete scenes from video content submitted to them that might offend viewers, like bloopers or shots with wrong angles.  A techno-horror film and a mysterious death occurs in the story and that’s how all the scary scenes begin.

 

 

Kumusta naman sila ni Geneva Cruz, na kasama niya noon sa Smokey Mountain?

 

 

“We have remained good friends  ni Geneva since then.  Noong mga teenagers pa kami, nanligaw ako sa kanya pero binasted niya ako.  We’re very comfortable with each other pa rin ngayon and we love Boracay kaya lagi kaming may beach photos together in her Instagram account.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • PAUL, aminadong mas nakaka-stress ang may lovelife

    PINAGDIINAN ni Paul Salas na wala siyang lovelife.   Huling na-link si Paul ay kay Taki Saito. Ang ex-girlfriend naman niyang si Barbie Imperial ay umaariba ulit sa lovelife dahil kay Diego Loyzaga.   Sey pa ng Kapuso hunk na mas nakaka-stress daw ang magkaroon ng lovelife kesa sa trabaho.   “Wala pong lovelife. Ang […]

  • 18-anyos at 8 minors na mga babae, narescue sa human trafficking sa Caloocan

    NAILIGTAS ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang siyam na kabataang babae, walo sa mga ito ay mga menor-de-edad sa isang entrapment at rescue operations kontra sa online sexual exploitation at human trafficking sa Caloocan city.     Ayon kay District Special Operation Unit (DSOU) chief P/Col. Jay Dimaandal, ang operation ay nagmula […]

  • Press Sec. Trixie, nagbitiw sa tungkulin

    NAGBITIW na sa kanyang tungkulin si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles dahil sa medical reasons.     Sa katunayan, sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra na  naghain ng kanyang resignation letter si Cruz-Angeles ngayong araw ng Martes, Oktubre 4.     “We’re  still in the process of helping the Office address her resignation today. […]