• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Labis na hinangaan sina Justin, Francine at EJ: ‘Nasa Iyo Ang Panalo’ ng Puregold, panalo sa puso ng mga Filipino netizens

NGAYONG 2022, minarkahan ng Puregold ang kanilang ika-25 na taon bilang isa sa nangunguna sa Philippine retail landscape. 

 

 

Upang gunitain ang makabuluhang okasyong ito, inilabas ng Puregold ang “Nasa Iyo ang Panalo” digital ad series sa iba’t-ibang social media platforms nito, kung saan nakakuha na ito ngayon ng higit 43.1 milyon online views.

 

Ang malinis at modernong pagkakalikha ng digital ads na ito ay ginamit upang magpakita ng mga damdaming tapat sa pusong Filipino: ang kakayahan nating manaig sa harap ng samu’t-saring pagsubok ng buhay.

 

Tampok sa “Nasa Iyo ang Panalo” digital ad series ang mga tulad ni Justin de Dios ng SB19, TV superstar Francine Diaz, first-time parents na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola, TikTok star na si Queenay Mercado, at si pole vaulting phenom EJ Obiena.

 

 

Binigyang buhay ng mga ads ang paghihirap na hinarap ng mga katauhang ito sa daan patungo sa kanya-kanyang tagumpay.

 

Maliban sa rami ng nanood ng bawat ad, malinaw na nagbigay ang mga ito ng inspirasyon para sa mga netizens na manonood dahil sa magagandang hugot mula sa mga nabanggit na kwento. Marami sa mga tagahanga at sumusuporta sa mga tampok na katauhan ay naghayag ng kanilang pasasalamat at malugod na suporta para sa mga kwentong tampok hindi lamang ang mga nasabing personalidad ngunit pati mga aral na magagamit sa pang araw-araw na buhay.

 

Ang YouTube user na si meowu ay nag-comment pa nga sa video ni Justin De Dios: “So proud of you, kuya Justin!! Sobrang laking impact ng ginawa mo talaga katulad ng pagpapatunay mo na may ibubuga ka pa. Sobrang namotivate mo ako na ipagpatuloy ang mga bagay na nakapagpapasaya sa’kin.” 

 

Sabi naman ni its nini sa video ni Francine Diaz, “So proud of you, Chin. You are truly an inspiration to the youth. Continue to inspire people. Thank you Puregold for choosing Francine. You chose the right one.”

 

Marami rin ang napukaw ang damdamin sa kung paano binigyan ng plataporma ng Puregold ang tagumpay ng mga pangkaraniwang Pilipino. Pahayag ni Nelson Arcilla sa ad na nag-tatampok kay EJ Obiena, “Kasama mo ang Puregold sa pagkamit mo ng pangarap kaya fight lang.”

 

Naniniwala si Vincent Co, pangulo ng Puregold Price Club Inc, na mahalagang mabigyan ng sigla at pag-asa ang bawat Pilipino sa pamamagitan ng mga “kwentong panalo” gaya ng pinakita sa ad series.

 

Mahirap makamit ang tagumpay kahit sa harap ng pag-hihirap at pag-pupursigi, ito ang natutunan natin matapos ang 25 taon sa business,” ani ni Vincent.

 

 

“Mahalaga para sa amin na mag-salaysay ng nakakasiglang mga kwento ng mgamatagumpay na Pilipino. Sa pamamagitan nito, nais namin ipakita sa aming mga mamimili na sa harap ng hirap, may daan patungo sa tagumpay.”

 

Ang “Nasa Iyo ang Panalo” digital ad series ng Puregold ay maaaring mapanood sa mga opisyal na channel ng Puregold sa YouTube, Facebook, at sa kanilang opisyal na TikTok @puregoldph.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Mukhang naka-move on na sa ex-bf na si Joe Alwyn: TAYLOR SWIFT, balitang nakikipag-date na kay MATTY HEALY

    NAKA-MOVE on na raw si Taylor Swift sa pakikipaghiwalay niya sa ex-boyfriend na si Joe Alwyn.      Balita kasing nakikipag-date na ito kay Matty Healy, ang frontman ng bandang The 1975. Una pala silang nag-date noong 2013 pero wala raw namuong serious na relasyon sa kanila.     Ayon sa The Sun: “She and […]

  • Malakanyang, pinawi ang pangamba ng publiko na agad na tutukuyin bilang terorista

    WALANG dapat na ipangamba ang publiko matapos tukuyin ng Anti-Terrorism Council (ATC) si Communist Party of the Philippines (CPP), founder si Jose Maria ‘Joma’ Sison at  18 na iba pa na mga terorista ng bansa.   Sa inilabas na ATC Resolution No. 16 at 17 na pirmado at inaaprubahan ni National Security Adviser (NSA) Hermogenes […]

  • THE BEST IN THE REGION

    THE BEST IN THE REGION.   Hawak ni Gobernador Daniel R. Fernando ang dalawang Plake ng Pagkilala ng Lalawigan ng Bulacan sa pagiging “Top 1 among all provinces in Central Luzon for obtaining the Highest Nominal Locally Sourced Revenue of 3,237,800,946.86” at “Top 3 for obtaining a 12% Year on Year Growth in Locally Sourced […]