Labor issues na binanggit ng sekyu na hostage taker, iimbestigahan ng DOLE
- Published on March 4, 2020
- by @peoplesbalita
IIMBESTIGAHAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang labor issues sa mall sa Greenhills San Juan.
Ito ay kasunod ng mga pahayag ng hostage taker na si Archie Paray na naglabas ng hinaing sa mga problema nilang security guards.
Iniutos na ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang pag-iinspeksyon sa mga mall sa Greenhills para matiyak na sila ay sumusunod sa labor standards at occupational and health standards.
Bago mangyari ang insidente kamakalawa, sinabi ni Bello na may mga reklamo na silang natanggap dahil nagkaroon umano ng sibakan nang mag-take over ang Ayala sa Greenhills management.
Hindi naman binanggit ni Bello ang kumpletong detalye sa take over.
Pinatitingnan din ni Bello ang labor practice ng security agency na sangkot sa usapin.
Binanggit din ni Mayor Francis Zamora na inooperan daw ng security agency ng 1 milyon si Paray para kumalma at maayos na ang kanilang problema
“ “Yung security agency was offering P1 million pero hindi niya tinanggap kasi hindi pera ang kailangan niya eh.
“Ang kailangan niya marinig lang ‘yung hinaing. Napakasimple kaya binigay natin,” pahayag ni Zamora.
Samantala, iginiit ng Philippine National Police na kahit pinabayaan nilang magsalita ang hostage taker ay nakahanda naman sila sakaling may gawin itong masama.
Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, nakaantabay ang kanilang mga sniper unit para kay Paray.
“Hindi natin nakita na naging mapanganib dahil concealed umano ‘yung baril at nakita naman natin na free ang kamay niya at nakaantabay doon ‘yung mga snipers natin,” ayon kay Banac.
“Sa pagbibigay ng decision habang nagpo-progress ‘yung situation crisis, lahat ng posibleng paraan na maaaring gawin para magkaroon ng early, peaceful resolution,” aniya pa. (Daris Jose)
-
COVID-19 curve flattening posible sa Setyembre – UP experts
Posibleng maabot na ang ‘flattening the curve’ sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa katapusan ng buwan o Setyembre, ayon sa research group mula University of the Philippines (UP). Sa reproduction rate ng COVID-19, bumaba ito sa 1.1 mula 1.5 makaraan ang mas mahigpit na quarantine sa Metro Manila at karatig probinsya, ayon kay […]
-
Pagtatayo pa ng community pantry sa iba’t ibang lugar sa bansa, hindi pipigilan ng Malakanyang
WALANG balak ang Malakanyang na pigilan ang itatayo pang community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong panahon ng pandemya. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na, ‘let a thousand community pantries bloom’ dahil ito aniya ay bayanihan. Sumasalalim aniya ito sa kagalingan ng mga Filipino sa pinakamasamang panahon. Nauna rito, […]
-
Kelot na nagwala habang may bitbit na baril sa Valenzuela, timbog
BAGSAK sa kalaboso ang isang lalaki nang damputin ng pulisya matapos maghasik ng takot makaraang magwala habang may bitbit na baril sa Valenzuela City. Nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 151 of RPC at RA 10591 o ang Comprehensive Frirearms and Ammunation Regulation Act ang naarestong suspek na si alyas “Aries”, 25, at […]