Lacson-Sotto tandem nangabog sa Twitter
- Published on November 16, 2021
- by @peoplesbalita
Ang tambalan nina Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto ang may pinakamaraming tunay at lehitimong follower sa Twitter, ayon sa random bot analysis at independent monitoring na ginawa ng isang Reddit user.
Gamit ang sample size na 5,000 account mula sa 44,155 followers ng Lacson-Sotto sa kanyang verified personal Twitter account (@iampinglacson), nadiskubre ng Reddit user na may code name na ‘PancitLucban’ na ang Lacson-Sotto tandem ang may ‘most organic following’ o hindi artipisyal na engagement mula sa kanyang mga follower, kumpara sa apat na iba pang presidential aspirant.
Ang proseso ng pagpili ay random gamit ang SurveyMonkey at Tweepy upang makuha at maorganisa ang mga datos mula sa application program interface ng Twitter. Ginamit naman ang Botometer software para maihiwalay ang mga bot, pinaikli para sa robot o computer program, mula sa totoong account.
“Botometer uses Complete Automation Probability (CAP) to visualize and analyze account behavior. To put it simply, this is the variable they use to determine a ‘bot score,’” paliwanag ni PancitLucban sa kanyang report.
Sa kanyang pagsusuri, nag-set ng 90 porsyentong CAP ang Reddit user, na nagresulta ng 9.08 porsyento ng Twitter bot follower para kay Lacson at 2.77 porsyento naman kung naka-set sa 95 porsyento ang CAP.
Nangangahulugan ito na malaking bilang o karamihan sa kanyang mga follower ay organic o lehitimong account.
Iba-iba naman ang naging resulta mula sa tatlong iba pang mga presidential aspirant. Si Vice Pres. Leni Robredo (@lenirobredo) ay may 628.3K followers, si Manila Mayor Isko Moreno (@IskoMoreno) naman ay may 934.4K followers, habang si ex-senator Bongbong Marcos (@bongbongmarcos) ay may 957.9K followers.
Wala pang datos sa Twitter analytics para sa dalawa pang presidential aspirant na sina Sen. Manny Pacquiao at labor leader Leody de Guzman.
Si Pacquiao ang may pinakamaraming follower (2.6 milyon) sa Twitter sa lahat ng mga presidential bet, na pinalakas ng kanyang pagiging worldwide celebrity bilang boxing icon. Habang si De Guzman ay may 19.4K follower bagaman hindi pa verified ang kanyang account.
-
Gumabao, Bernardo hahataw para sa Creamline
MULING maglalaro si veteran Michele Gumabao para sa Creamline bilang preparasyon sa Premier Volleyball League Invitational Conference na hahataw sa Sabado sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City. Bigo ang opposite hitter na si Gumabao sa nakaraang eleksyon kaya siya magbabalik sa Cool Smashers. Huling nakita sa aksyon si […]
-
Pacquiao nagpahiwatig ng posibleng pag-retiro kasunod nang pagkatalo vs Ugas
Kasunod ng kanyang unanimous decision loss kay Yordenis Ugas sa kanilang bakbakan kahapon sa T Mobile Arena sa Las Vegas, nagpahiwatig si Manny Pacquiao na posibleng isasabit na niya ang kanyang boxing gloves makalipas ang ilang dekadang pagsabak sa itaas ng lona. Sa kanilang post fight press conference, sinabi ni Pacquiao na maraming […]
-
ABS-CBN umamin na may pagkakamali
Noong Huwebes, Pebrero 20 ay naglabas ng pahayag ang presidente at CEO ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak. Sa kanyang statement, nagpasalamat si Katigbak, na bilang isa sa 11,000 empleyado ng ABS-CBN, ay nabigyan siya ng pagkakataon na makapaglingkod sa mga Pilipino. Aniya, darating din daw ang araw na magkakaroon sila ng pagkakataon […]