• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lacuna nagpasalamat sa ayuda ni PBBM, DHSUD sa mga nasunugan

NAGPASALAMAT si Manila Mayor Honey Lacuna kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at department of human settlements and urban development (DHSUD) head, Secretary Jerry Acuzar, sa pagkakaloob ng kanyang kahilingan na matulungan ang libu-libong pamilyang nawalan ng tirahan sa sunog sa Tondo.

 

Ani Lacuna sa mga pamilyang nasunugan, si Pang. Bongbong Marcos at Sec. Acuzar ang dapat nilang pasalamatan sa patuloy na pagsuporta sa pangangailangan ng Manilenyo na nagdaranas ng matinding pangangailangan dahil kapos sa pinansiyal ang Maynila bunsod ng binabayarang P17.8 bilyong utang sa mga bangko ng nakalipas na adminsitrasyon.

 

 

“Ako po ay hindi mahihiyang manghingi para sa inyo. Gagawin at gagawin natin ‘yan,” ani Lacuna sa pagkakaloob ng financial assistance mula sa DHSUD, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa Manila city go­vernment.

 

 

Nagbigay ang DHSUD ng emergency shelter support sa 2,006 pamilya na nawalan ng tirahan na tig-P30,000, na ang 1,014 dito ay naitalang may totally-damaged houses sa Aroma, Tondo, sakop ng Barangay 106.

 

 

Nakatanggap din ang apektadong pamilya ng tig-P10,000 mula sa Manila city government bukod pa sa P10,000 mula sa DSWD, nang aprubahan ang request ni Lacuna.

 

 

Pinaalalahanan din ng alkalde ang mga recepients na kung magtatayo ng bahay nila ay tiyakin na walang maiiwang mga basura na nakakalat at hintayin ang pagdating ng garbage collector.

Other News
  • BAKUNAHAN SA BEDRIDDEN SA NAVOTAS, SINIMULAN

    INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas nitong Huwebes ang house-to-house na pagbabakuna kontra sa COVID-19 upang mapaglingkuran ang mga Navoteño na hindi makapunta sa vaccination sites ng lungsod dahil sa sakit.     Nasa 30 bedridden senior na mga residente ng Barangay Tangos North at South ang nakatanggap ng kanilang unang bakuna sa kanilang bahay. […]

  • Naturukan na ng Covid -19 vaccine ang 100k Tsinoy na nagtratrabaho sa POGO sa Pinas

    WALANG impormasyon si Presidential Spokesperson Harry Roque sa sinabi ni civic leader Teresita Ang-See na may 100,000 Chinese POGO workers na ang naturukan ng bakuna laban sa COVID-19.   “Wala po akong impormasyon kung kung man totoo edi mabuti, 100,000 less possible carriers of the Covid -19 virus,” ayon kay Sec. Roque.   Ukol naman […]

  • Pagpatay sa Party List Nominee, kinondena ng Comelec

    KINONDENA  ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpatay sa Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) party-list nominee na si Leninsky Bacud noong Lunes sa Sampaloc,Maynila. “We condemn to the strongest possile terms these killings as it is the ballots thaht should reign in a democracy , not bullets”, pahayag ni Comelec Chairman George Garcia sa isang […]