Lady Bulldogs, Lady Spikers maghaharap agad sa UAAP
- Published on February 14, 2025
- by Peoples Balita
INAABANGAN na ang matinding bakbakan ng pinakamahuhusay na collegiate volleyball players sa bansa sa paglarga ng UAAP Season 87 women’s volleyball tournament na papalo sa Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa second day ng liga, magtutuos agad ang defending champion National University at Season 85 titlist De La Salle University sa Linggo.
Babanderahan ni two-time UAAP MVP Bella Belen ang matikas na ratsada ng Lady Bulldogs na magtatangkang tapusin ang kanyang collegiate career ng magarbo.
Makakasama ni Belen sa arangkada si UAAP Season 86 Finals MVP Alyssa Solomon kasama sina Vangie Alinsun, Erin Pangilinan, Sheena Toring at playmaker Cams Lamina.
Sa kabilang banda, malaki ang nawala sa La Salle partikular na sa middle blocker position matapos ang paglisan ni Thea Gagate.
Ngunit nananatiling matikas ang Lady Spikers dahil nariyan pa rin si outside hitter at dating Rookie-MVP na si Angel Canino na siyang aasahan sa opensa ng tropa.
Aariba rin para sa La Salle si middle blocker Amie Provido at outside hitter Aleiah Malaluan.
Bigo ang La Salle na makapasok sa finals noong nakaraang taon matapos itong matalo sa University of Santo Tomas sa crossover semis.
Kaya naman desidido ang Lady Spikers na makaresbak sa taong ito.
Magsisimula ang season sa Sabado tampok ang salpukan ng University of the East at University of the Philippines sa ala-una ng hapon.
Kasunod nito ang laban ng Golden Tigresses at Far Eastern University sa alas-3 ng hapon.
-
Inakala na magkakalalaki na sila: Second baby nina VIN at SOPHIE, babae uli
BABY girl ulit ang magiging second baby nina Vin Abrenica at Sophie Albert. Sa recent vlog ng mag-asawa sa YouTube channel, mapapanood ang experience ni Sophie sa ultrasound center na Hello Baby kunsaan naganap ang gender reveal ng kanilang second baby. Yung private room ay napalibutan ng balloons at may big screen […]
-
DILG binalaan si Gov. Garcia, mahaharap sa legal action kapag itinuloy ang optional mask EO
SINABI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na gagawa sila ng legal action laban kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia kapag itinuloy nito ang pagsuway sa mask mandate ng gobyerno sa gitna ng coronavirus pandemic. “Ganun ang mangyayari diyan. Kapag patuloy nila yan gagawin at nagkakaroon na talaga tayo ng injury, […]
-
Quiboloy ilipat na sa BJMP! — PNP
DAPAT na umanong ilipat sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Leader Pastor Apollo Quiboloy. Ito naman ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office chief PCol Jean Fajardo sa isinagawang press briefing. Ayon kay Fajardo, kung sila ang tatanungin, […]