• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Laguna, pinalawig ang ECQ hanggang Agosto 20

PINALAWIG ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Laguna hanggang Agosto 20, 2021.

 

Ito’y batay na rin sa rekomendasyon ng Department of the Interior and Local Government at matapos ang konsultasyon sa lokal na pamahalaan ng Laguna.

 

Nauna nang inilagay ang Laguna sa ilalim ng ECQ hanggang Agosto 15, 2021, at napagdesisyunang ibaba sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula Agosto 16 hanggang 31, 2021, hanggang sa susugan ngayon na ibalik sa ECQ status.

 

Ang pinakabagong ECQ re-classification ay ginawa upang ma- maximize ang epekto, pababain ang surge ng COVID-19 cases, at mapahinto ang pagkalat ng variants at mapaghusay pa ang health system capacity para protaktahan ang mas maraming buhay sa nasabing lugar.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito’y alinsunod sa Executive Order 112 na nagbibigay awtoridad sa IATF “to impose, lift, or extend a community quarantine in provinces, highly urbanized cities, and independent component cities.”

Other News
  • COVID-19 cases papalo ng 1-milyon- OCTA Research

    Hindi malabong sumipa sa higit 1-milyon ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas bago matapos ang Abril.     Ito ang sinabi ng independent group na OCTA Research sa kanilang pinakabagong report.     “Before the end of April, the Philippines is expected to have recorded more than 1,000,000 total COVID-19 cases,” ayon sa […]

  • Senator Bong, tinugon ang pangangailangan ng isang estudyante sa Guimaras

    SA kabila ng nararanasan nating pandemya ngayon, hindi hadlang ito sa mga television networks na magbigay sila ng mga programa para sa mga televiewers.   Kung maraming na-hook na mga netizens sa panonood ng bagong drama anthology ng GMA Entertainment Group, ang I Can See You, na pilot episode nila ng four weekly series ang […]

  • Ni-raid na condo sa Maynila, ‘Mother of all POGO hubs’-PAOCC

    ITINUTURING ng Presidential Anti- Organized Crime Commission (PAOCC) na “Mother of all POGO hubs” ang sinalakay na 40 palapag na condominium kamakailan sa Adriatico, Maynila kasabay ng pahayag na hindi sila titigil sa kanilang operasyon laban sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).     Ayon sa PAOCC, ang naturang condominium ay naging “taguan” ng ilegal […]