Lahat ng 10 Pres’l candidates, nakaboto na; Sen. Ping Lacson, ‘early bird’
- Published on May 9, 2022
- by @peoplesbalita
BAGO pa man mag-tanghali kanina, nakaboto na ang lahat ng 10 kandidato sa pagka-Pangulo.
Nabatid na si Sen. “Ping” Lacson ang pinakaunang bumoto sa presidentiables kung saan alas-7:00 pa lamang kaninang umaga nang magtungo ito sa kanilang presinto sa Imus, Cavite.
Narito pa ang mga Presidential candidate na nakapagsumite na ng kani-kanilang balota.
Ka Leody De Guzman sa Cainta, Rizal
Ex-Sen. “Bongbong” Marcos sa Ilocos Norte
Vice President Leni Robredo sa Camarines Sur
Mayor “Isko” Moreno sa Tondo, Maynila
Sen. Manny “Pacman” Pacquiao sa Sarangani
Former Pres’l spokesperson Ernesto Abella sa Silang Junction West, Cavite
Former Defense Secretary Norberto Gonzales sa Bataan
Faisal Mangondato sa Lanao del Sur
Atty. Jose Montemayor Jr., sa Pampanga
Habang sa pagka-bise presidente, nakaboto na ang mga sumusunod:
Mayor Sara Duterte sa Davao City
Dr. Willie Ong sa Dasmariñas Village Clubhouse sa Makati City
Sen. “Kiko” Pangilinan sa Cavite
Ex-Congressman Walden Bello
Senate President Tito Sotto III
Buhay Party-list Rep. Lito Atienza sa San Andres Bukid, Maynila
Samantala ang ibang kilalang personalidad na nakaboto na ay sina “Chiz” Escudero, Sen. Leila de Lima, Quezon City Mayor Belmonte, at iba pa.
-
PBBM: Trabaho sa lahat ng Pinoy, pangarap ko
PANGARAP umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabigyan ng trabaho ang lahat ng mga Filipino para hindi na sila mapilitang mag-abroad para lamang makapaghanapbuhay. Sa pagharap ni PBBM sa Filipino Community sa Brussels, Belgium sinabi nito na kaya nagsisikap ang kanyang administrasyon na manghikayat ng mga dayuhang mamumuhunan para mas maraming trabaho […]
-
Russia, nag-anunsiyo ng humanitarian ceasefire sa Ukraine
INIHAYAG ng Moscow ang isang humanitarian ceasefire sa Ukraine upang mabigyang daan ang pagsagawa ng paglikas ng civilian population. Nagdeklara ng isang “regime of silence” ang Russian Federation at handang magbigay ng mga humanitarian corridor. Ang civilian evacuations ay naganap lalo na mula sa bayan ng Sumy, kung saan umalis ang […]
-
Sa rami nang ginagawa, ‘di nakalilimot magpasalamat: JOLINA, masaya na muling nakatanggap ng bouquet at fruit basket mula kay VP LENI
HINDI itinanggi ni Mikee Quintos na may nagpapasaya sa kanya ngayon. Natatawa ito dahil diretsahan naming sinabi na alam naming Kapuso star rin ito. At least, hindi naman nagpabebe pa si Mikee na nag-deny. Totoo raw na masaya siya ngayon at may nagpapasaya. Tinanong namin kung okay sa kanya […]