Lahat ng lugar sa Metro Manila, high o critical risk – DOH
- Published on August 16, 2021
- by @peoplesbalita
Nasa ‘high o critical risk’ na lahat ng siyudad at munisipalidad sa National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy na pagsirit ng mga bagong kaso ng COVID-19 at pagtaas ng utilization rate ng mga pagamutan.
Kabilang sa mga nasa Alert Level 4 (critical) ay ang mga siyudad ng Las Piñas, Malabon, Makati, Marikina, Muntinlupa, Navotas, San Juan, Quezon City, Taguig, Valenzuela at bayan ng Pateros.
Nasa Alert Level 3 (high) ang Caloocan, Pasig, Mandaluyong, Maynila, Pasay at Parañaque.
Sa datos hanggang Agosto 10, pinaka-kritikal ang siyudad ng Navotas na may 29.44 Average Daily Attack Rate (ADAR), at 353.25% Two-week Growth Rate (TWGR); at ang Pateros na may 39.30 ADAR at 266.35% TWGR.
Lahat din ng siyudad sa Metro Manila ay may Delta variant na. Nakapagtala ang Navotas ng walong kaso, 12 ang Malabon, apat sa Valenzuela, pito sa Caloocan, tatlo sa Pateros, lima sa Taguig, walo sa Quezon City, isa sa Marikina, 23 sa Pasig, walo sa Makati, anim sa San Juan, walo sa Mandaluyong, 16 sa Maynila, 26 sa Las Piñas, isa sa Muntinlupa, apat sa Pasay at apat din sa Parañaque. (Daris Jose)
-
PBBM, biyaheng Japan sa kalagitnaan ng Pebrero
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na byaheng Japan siya sa pangalawang linggo ng Pebrero para sa state visit. “I think the tentative date is around the second week of February, right now,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam. Aniya, kaagad niyang tinanggap ang imbitasyon na bumisita sa Japan nang […]
-
Ads April 2, 2022
-
2 HULI SA AKTONG IBINEBENTA ANG TINANGAY NA MOTOR
ISINELDA ang dalawang lalaki matapos maaktuhan ng pulisya habang ibinebenta ang kanilang tinangay na motor sa Navotas City sa isang tindahan sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Maj. Jessie Misal, hepe ng Northern Police District-District Anti-Carnapping Unit (NPD-DACU) ang mga naarestong suspek na sina Christian Lecaros, 20 ng Tondo, Manila […]