LALAKI NA PINANGBILI ANG P1K NA AYUDA NG DROGA SA KYUSI ARESTADO
- Published on April 21, 2021
- by @peoplesbalita
ARESTADO ng Quezon City Police District ang isang 40-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng shabu na binili gamit ang natanggap na P1,000 na ayuda mula sa gobyerno.
Sa ulat, na ipinadala kay QCPD Director P/B.Gen Danilo Macerin ni P/Lt.Col Melchor Rosales, alas-3 ng madaling araw nang sitahin ang suspek na si Joven Llera, residente ng Barangay Balara, sa Laura street dahil sa paglabag sa curfew hours.
Nabatid na una na rin sinita ang suspek sa nabanggit na lugar dahil sa paglabag sa curfew hours at iniuwi ito ng mga barangay tanod.
Ngunit bumalik ito sa lugar kung saan siya unang sinita para diumano hanapin ang isang sachet ng shabu na itinapon niya sa damuhan at nagkataon na nadaanan siya ng mga nagpapatrulyang pulis.
Inamin diumano ni Llera na nakabili siya ng shabu dahil sa natanggap na P1,000 ECQ cash aid mula sa Social Amelioration Program . Mahaharap sa aksong pag labag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive dangerous Drug Act. (RONALDO QUINIO)