Lalaki na wanted sa pagpatay sa Valenzuela, nabitag sa Caloocan
- Published on January 24, 2024
- by @peoplesbalita
ISANG lalaki na wanted sa pagpatay ang nasakote ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. sa Northern Police District (NPD), nakatanggap ng impormasyon ang SIS na naispatan sa Camarin, Caloocan City ang presensya ng akusadong si alyas “Roger” na kabilang sa mga most wanted person ng Valenzuela City.
Bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez saka nagsagawa ng manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-7:00 sa Barangay 175, Camarin, Caloocan City.
Ani Cpt. Sanchez, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Arthur B Melicor ng Regional Trial Court Branch 284, Valenzuela City noong June 23, 2023, para sa kasong Murder.
Pinuri NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pinaigting na manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado na pansamantalang ipiniit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)
-
ZAMBOANGA VALIENTES HARI SA AUSTRALIA 3X3
NAGSYUT ang Zamboanga Valientes ng Pilipinas ng 4-1 panalo-talong kartada sa loob lang ng isang araw para pagharian ang Open division ng Basketball Act 3×3 Christmas Street Hustle 2020 sa Belconnen 3×3 Outdoor Courts-42 Oatley sa Canberra, Australia nitong Sabado, Disyembre 12. Ginimbal ng Chavacano dribblers ang niresbakang eliminations tormentor Black Buckets sa finals […]
-
Ads April 19, 2025
-
‘Bayaran niyo ang pinsala dahil sa climate change’
TINULIGSA ni Presidente Rodrigo Duterte ang mayayamang mga bansa na siyang dapat magbayad sa mga dinaranas ng developing nations tulad ng Pilipinas sa epekto ng climate change. Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kanyang lingguhang Talk to the People at matapos ang pagbisita niya sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Agaton. […]