• February 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalaking nag-amok habang armado ng pen-gun sa Navotas, kalaboso

SA kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos damputin ng pulisya makaraang mag-amok habang may bitbit na improvised gun sa Navotas City.

 

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, iniulat ng isang concerned citizen sa Tanza Police Substation 1 ang hinggil sa isang lalaki na nagwawala at naghahamon ng away habang may bitbit na improvised gun sa Masipag Street, Brgy. Tanza Uno.

 

 

Agad pinuntahan ng mga tauhan ng SS1 ang nasabing lugar at naabutan nila ang lalaki na nagwawala subalit, nang makita niya papalapit na mga armadong pulis ay nawala ang kanyang tapang at hindi na pumalag nang posasan siya dakong alas-4:40 ng madaling araw.

 

 

Nakumpiska sa suspek na si alyas “Buang” ang hawak na isang improvised gun (pen-gun) na kargado ng isang bala ng cal. 38 saka binitbit siya para sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunations Regulation Act.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino

Other News
  • Ads April 21, 2023

  • Ochoa atat na sa bunuan

    GIGIL nang magbalik sa praktis si 2019 Philippine Southeast Asian Games women’s jiujitsu -45-kilogram gold medalist Margarita ‘Meggie’ Ochoa para sa preparasyon sa mga balak sabakang kompetisyon sa taong ito.     May isang taon na ang patuloy na pamiminsala ng Coronavirus Disease 2019 kaya nabulilyaso ang training at international, national competition ng mga national […]

  • PBBM, nanawagan para sa int’l support para sa UN Security Council bid ng Pinas

    MULING nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa suporta para sa Pilipinas na makasama sa United Nations Security Council (UNSC). Ginamit ng Pangulo na oportunidad ang unang Vin d’Honneur ngayong taon sa Palasyo ng Malakanyang para ipanawagan na makasama ang Pilipinas sa (UNSC). Kasali kasi ang Pilipinas sa naglalaban-laban para masungkit ang non-permanent […]