• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalaking nagbabanta at nangingikil sa mga driver sa Malabon, kalaboso sa baril

NAGWAKAS na ang maliligayang araw ng 55-anyos na lalaki na nagbabanta at nangingikil umano sa mga driver matapos maaresto ng mga pulis makaraang makuhanan ng baril sa Malabon City.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Amante Daro ang naarestong suspek bilang si January Raymond Flores, 55, parking attendant, at residente Barangay San Agustin.

 

 

Sa report ni Col. Daro kay P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr, Acting District Director ng Northern Police District (NPD), nakatanggap sila ng letter of complaint na naka-address kay PNP Chief PGEN Rodolfo Azurin Jr, mula sa “Kolot Sinag mga drivers” kung saan i-nirereklamo ang suspek alyas “Polot Flores” na pinagbabantaan at kinikikilan ang mga driver ng padyak, jeep, at delivery truck ng isda habang armado ng baril sa Gen. Luna Street, Barangay San Agustin.

 

 

Kaagad inatasan ni Col. Daro ang mga operatiba ng Follow-up na magsagawa ng validation sa nasabing lugar kung saan naaktuhan nila ang suspek na may dalang baril.

 

 

Nang hanapan ng mga kaukulang dokumento para legalidad ng naturang baril ay walang naipakita ang suspek na naging dahilan upang posasan siya ng mga operatiba at nakumpiska sa kanya ang isang cal. 45 pistol at dalawang magazine na kargado ng 12 pirasong bala at isang sling bag.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions). (Richard Mesa)

Other News
  • PBBM, hinikayat ang mga deboto ng Señor Sto. Niño na i-translate ang kanilang pananampalataya sa gawa, ipalaganap ang pag-asa, pagmamahal at saya

    NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa milyon-milyong deboto ng Señor Sto. Niño sa pagdiriwang ng Sinulog Festival kasabay ng paghikayat sa mga ito na i-translate ang kanilang pananampalataya sa gawa at ipalaganap ang pag-asa, pagmamahal at saya sa iba.     Sa naging mensahe ng Pangulo, umaasa ito na mananatiling nagkakaisa ang mga […]

  • P90.2-B special risk allowance para sa mga medical workers ng DOH inilabas na

    Nailabas na ang P90.2 billion special risk allowance para sa mga medical workers ng Department of Health sa buong bansa.     Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Assistant Secretary Kim Robert de Leon na inaasahan na tuluyan ng maipamahagi ang nasabing budget hanggang Hunyo 30, 2021.     Mayroong tig-P5,000 na monthly […]

  • Ilang araw bago ang third anniversary: VICE, ini-reveal sa vlog na ikinasal na sila ni ION sa Las Vegas

    NI-REVEAL ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda sa kanyang YouTube channel noong February 13, na kinasal na sila ni Ion Perez.     Mapapanood nga sa vlog na noong October 19, 2021 pa sila ikinasal ni Ion sa Little Vegas Chapel sa Las Vegas, ilang araw bago sila nag-celebrate ng ikatatlong taon bilang […]