• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalaking nang-hostage, hawak na ng pulisya

NASA kustodiya  na ng pulisya ang isang lalaki na nang-hostage ng dalawang babae sa isang gusali sa  C.M. Recto sa Sta.Cruz, Maynila.

Ayon kay Lt. Col John Guiagui, ang hepe ng MPD- District Intelligence  Division (DID) itinawag ang  hostage taking pasado alas 3 ng hapon .

Aniya, nag-ugat ang pangho-hostage ng suspek na si alyas Jun na isang fixer,  sa umano’y hindi ibinibigay nitong sweldo o porsyento ng kanyang ipinapasok.

 

Pumasok ito sa RB Printing Press kung saan hinostage ang dalawang babae.

Ayon kay Guiagu, kinausap niya ang suspek at inalam kung ano ang kanyang problema at nang sabihin na inonse siya ng kanyang amo, sinubukan niyang kumbinsihin at bigyan ng halagang P20,000  na kanya namang tinanggap.

Pero bago nito, sinabihan siya ni Guaigui na bitawan muna ang hawak nitong dalawang patalim na kanyang iwinawasiwas .

 

Nang matangap ang perang alok ni Guiagui, yumakap na umano ito sa kanya at kusang sumama.

Matagumpay ding nailigtas ang mga biktima kung saan natapos ang hostage taking 4:28 ng hapon.

Samantala, nabanggit din ni Guiagui na may insidente na rin ng pananaksak noong Linggo ang suspek dahil umano sa problema sa kanyang asawa.

 

Dati na rin may kasong robbery at drugs ngunit nakatakas.

Ang suspek ay dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center para sa medical examination. (Gene Adsuara)

Other News
  • COVID cases sa Pinas papalo sa kalahating milyon ngayong 2020 – UP experts

    Posibleng pumalo sa 585,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 batay sa taya ng University of the Philippines (UP).   Ito ay makaraang palawigin ng UP COVID-19 Pandemic Response Team ang kanilang projection hanggang sa Dec. 31 ngayong taon.   Maaaring bumaba sa 402,000 ang detected cases ngunit posible rin pumalo sa 767,000. […]

  • Tokyo Olympics, magiging ‘safe and secure’ kahit may virus emergency – organizers

    Iginiit ng mga organizers ng Tokyo Olympics na tuloy pa rin ang pagdaraos ng Summer Games kahit na isinailalim ang Japan sa state of emergency dahil sa pandemya.   Una rito, inanunsyo ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga na ilalagay sa state of emergency ang greater Tokyo area dahil pa rin sa pagtaas ng mga […]

  • PINAS, patuloy na idedepensa ang sovereign rights sa WPS-PBBM

    IPAGPAPATULOY ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagdepensa sa sovereign rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) Ito’y sa gitna ng protesta ng Tsina sa bagong mga batas na nagbigay ng ‘ngipin’ sa pag-angkin ng Pilipinas sa resource-rich area. Tinukoy ni Pangulong Marcos ang Philippine Maritime Zones Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes, tinintahan […]