• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalong maghihigpit ang PBA

Binalaan ng PBA ang sinumang lalabag sa health protocols na ipatutupad sa kanya-kanyang training at scrimmages ng mga PBA teams.

 

 

Nakaabang ang mabigat na parusa kabilang na ang P100,000 multa at 10 araw na suspensiyon sa mga violators.

 

 

Naglatag ng matinding parusa ang PBA upang masiguro na susunod ang lahat sa patakarang ipatutupad ng liga na na-kabase sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

 

 

“Lalakihan natin ‘yan. Hindi lalayo diyan ‘yung penalties natin sa Clark na P100,000. Suspension for 10 days. Malaki ‘yan .. kasi gusto nga natin maging successful,” ani PBA commissioner Willie Marcial.

 

 

Nais ni Marcial na ma-ging magandang ehemplo ang PBA sa pagsunod sa regulasyon ng gobyerno upang tularan ito ng iba pang liga at ng mismong mamamayan.

 

 

“Hindi naman para sa kanila lang ‘to. Para sa kapwa nila players, teammates, kasama sa team, pamilya nila at sa pamilya rin ng mga team members nila. Sana maintindihan nila,” wika pa ni Marcial.

 

 

Para mabantayan ang mga players, coaches at staff, gagamit ang PBA ng mobile app upang matunton ang galaw ng lahat.

 

 

Ang sinumang lalakad na labas sa kanyang tungkulin bilang player, official o staff ng isang team, agad itong ipatatawag ng PBA management para magpaliwanag.

Other News
  • 3 sangkot sa droga kulong sa P238-K shabu

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang 38-anyos na byuda matapos makuhanan ng P238K halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Francisco Larry, 46, tricycle driver ng C-4 Road, Brgy. Longos, […]

  • PNP nag-inspeksiyon na sa National Museum

    SINIMULAN  na ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasagawa ng inspeksiyon sa loob at labas ng National Museum bilang bahagi ng pagbibigay ng seguridad sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa Hunyo 30.     Pinangunahan ni PNP Director for Operations MGen. Valeriano De Leon ang inspeksiyon alinsunod sa kautusan ni OIC-PNP PGen. […]

  • LRT Line 1 Cavite Extension higit sa 50 percent ng kumpleto

    Ipinahayag ng Department of Transportation (DOTr) na ang first phase ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) Cavite extension ay higit ng 50 percent na kumpleto.   “The LRT 1 Cavite Extension is now more than halfway to completion of the partial operability section until Sucat station, as we report an overall progress rate of […]