Lambda variant, hindi variant of concern- Sec. Duque
- Published on July 8, 2021
- by @peoplesbalita
ITINUTURING ng pamahalaan na variant of interest at hindi variant of concern ang Lambda variant ng Covid 19 na mula naman sa mg bansang Peru at sa Latin America.
Sa press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na bagama’t hindi naman nakakaalarma ang Lambda variant ay mananatili naman ang strict border control sa bansa.
“Sa ngayon, ang Lambda variant is identified as a variant of interest. So hindi pa siya variant of concern at ang ating pamamaraan ay ganoon pa rin – strict border control. At napatunayan na natin na ito’y epektibo dahil nga sa Delta variant ay wala pang nakakalusot ni isa sa atin pong mga komunidad, wala pa pong local case nor local transmission ano,” ayon kay Duque.
“So iyan po ang paigtingin natin, ang border control – ibig sabihin po nito 14-day quarantine – 10 in the government identified quarantine facility, test on the 7th day and completion of the remaining 4 days in their home, LGU or residents and of course iyong bio-surveillance natin na ginagawa ng Philippine Genome Center,” dagdag na pahayag nito.
Para naman kay Sec. Roque, nakatulong sa bansa na walang direct flights sa Pilipinas mula sa Latin America dahil ang lahat aniya ng mga flights ay nag-originate sa Estados Unidos.
“So in due course po, we will monitor also the development and we will act accordingly,” ani Sec. Roque.
Samantala, tiniyak naman ni Sec. Roque na ang lahat ng mga bakuna sa bansa laban sa Covid -19 ay ligtas at epektibo.
Binigyang diin pa nito na ang mga bakuna na ibinigay sa mga mamamayang Filipino ay libre.
“Wala naman pong datos or wala naman pong impormasyon na kung nababawasan ba ang pagiging epektibo ng ating mga bakuna dito sa bagong C.37 variant; so effective ang lahat ng ating mga bakuna thus far,” ang pahayag ni Duque. (Daris Jose)
-
Walastik si Super Sonic
BINALANDRA ni Super Sonic ang taglay na tulin sa huling 50 metro upang pamayagpagan ang kahaharurot na Condition Race (16) sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Tinutukan ng Presidential Gold Cup winner na SS sa pagrenda ni former Philippine Sportswriter Association (PSA) Jockey of the Year Jessie Guce ang pumailanlang kaagad […]
-
ASEAN Basketball League tuluyan nang kinansela ngayong taon
Tuluyan ng kinansela ng ASEAN Basketball League ang bagong season ngayong taon dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19. Ayon sa liga, na kanila ng itutuloy ang mga laro sa 2021. Labis kasi naapektuhan ang liga sa ipinatupad na lockdown kaya minabuti nilang kanselahin na lamang ang season. Magugunitang noong Marso 13 […]
-
Giant company, malabong makabalik sa negosyo kahit bigyan pa ng 5k prangkisa ng Kongreso
MALABONG makabalik sa negosyo ang isang giant company kahit bigyan pa ito ng prangkisa ng Kongreso kung hindi naman nito aaregluhin ang tax dues. “Maski na bigyan ninyo ng limang libong franchise ‘yan, hindi i-implement ‘yan… Just because you gave them franchise, it does not follow that all of their misdeeds in the pasy are […]