• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LandBank naglunsad ng ₱50B loan program para sa mga crisis-affected businesses

NAGLUNSAD ang Land Bank of the Philippines (LandBank) ng bagong loan program para sa mga negosyong labis na tinamaan ng natural o man-made disasters, gaya ng Russia-Ukraine war.

 

 

Sa isang kalatas, araw ng Linggo, inanunsyo ng LandBank ang bagong programa na tinawag nitong NATION SERVES, o National Assistance Towards Initiating Opportunities to Entities sa gitna ng “Social and Economic Reserves which Visible Entail Shockwaves to Businesses.”

 

 

Sinabi ng state-run lender na naglaan ito ng ₱50 billion para sa programa, naglalayong makapagbigay ng karagdagang working capital para sa mga negosyo.

 

 

Magagamit ng mga negosyo o enterprises ang bagong budget para palakasin ang kanilang operasyon, palawakin ang trading facilities, at stockpile supplies at inventories para mabawasan ang epekto ng naturang krisis.

 

 

“LandBank aims to bolster the resiliency of key development industries by cushioning the negative impact of economic disruptions,” ayon kay president at chief executive Cecilia Borromeo.

 

 

“Through the NATION SERVES lending program, we will also contribute to preventing price surges on basic commodities as we continue serving the nation,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Pinapayagan ng programa ang mga negosyo na makapag-secure ng hanggang 85% ng aktuwal na pangangailangan, na may interest rate base sa “applicable” Bloomberg Valuation Reference rate sa panahon ng pag-avail, idagdag pa ang hindi naman lalagpas sa 75% ng “prescribed spread” batay naman sa credit rating ng mga borrower. (Daris Jose)

Other News
  • Mayor Tiangco sa mga barangay executive: exceed expectations

    PINAALALAHANAN ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang mga barangay executive na laging hangarin ang kahusayan sa kanilang paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan.     Sa ginanap na Sustainable Management and Administration of Local Government through Reengineering and Use of Technology for Barangay Newly Elected Officials (SMART BNEO) Program 2023, pinangahasan ni Tiangco ang […]

  • World AIDS Day: Pinay Miss U Catriona at Pia, napabalik-tanaw bago naging advocate sa HIV awareness

    Umaani ng paghanga ang dalawang Pinay Miss Universe beauty na sina Pia Wurtzbach at Catriona Magnayon Gray sa World AIDS Day 2020 commemoration-celebration.   Ito’y kasunod ng pagiging guest speaker nila hinggil sa kauna-unahang #SaferNowPH Summit, isang online conference na tumalakay sa mga bagong paraan tungo sa pag-iwa sa HIV (human immunodeficiency viruses), na isinagawa […]

  • Bilib kay VP LENI at sa ‘Angat Buhay Lahat’ movement: MONSOUR, nanghihikayat na piliin ang tamang lider na para sa gobyernong tapat

    ISANG buwan bago ang Pambansang Halalan sa Mayo 9, karamihan sa mga bontanteng Pilipino ay nakapili na ng kanilang ibobotong pangulo at pangalawang pangulo.     Batay naman sa huling survey ng Pulse Asia mula Marso 17 – 21, sina VP Leni Robredo at dating Senador Kiko Pangilinan ay umabante na sa 24% at 15%. […]