Larry Muyang, sinuspinde ng PBA dahil sa paglabag sa kontrata
- Published on April 16, 2025
- by @peoplesbalita
SINUSPINDE ng Philippine Basketball Association (PBA) si Larry Muyang matapos itong lumabag sa kanyang kontrata sa Phoenix Fuel Masters. Ayon sa Phoenix, may bisa pa ang kontrata ni Muyang hanggang Mayo ngunit pinili nitong maglaro para sa Pampanga Giant Lanterns sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL). Kung saan nakapag-ambag si Muyang nang 35 points at 12 rebounds sa laban kontra Manila Batang Quiapo. Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nagsisisi na umano si Muyang sa kanyang ginawa, ngunit posible pa ring magsampa ng kaso ang Phoenix. Kung magkakaayos man ang magkabilang panig, kinakailangan pa ring humarap ni Muyang sa PBA Board of Governors upang muling makabalik sa liga.
https://contents.spin.ph/image/resize/image/2019/11/25/larry-muyang-ja-1574692562.webp
-
‘Wag palampasin ang finale ng ‘Royal Blood’: DINGDONG, nagbigay-pugay sa napakahusay na pagganap ni TIRSO
ANG biggest murder mystery sa primetime TV ay magtatapos na sa high-rating primetime series ng GMA Network na “Royal Blood.” Matapos ang isang mahaba at mahirap na paghahanap para sa mamamatay-tao, sa wakas ay lumabas ang sikreto—pinatay ni Margaret si Gustavo! Pero marami pa ring twists and turns na dapat i-unveil. […]
-
PBBM, ipinangalan at muling ipinangalan ang PNP camps, real properties sa mga dating police officers
IPINANGALAN at muling ipinangalan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 8 Philippine National Police (PNP) camps at real properties sa mga dating police officers na nagbigay ng huwarang serbisyo sa bansa at sa mamamayan. Nagpalabas si Pangulong Marcos ng Proclamation Nos. 429 at 430 para sa dahilang ito, ayon sa Presidential Communications Office […]
-
MMDA, ipinag-utos ang 5-day closure ng mga sementeryo
NAGKAISA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at ang mga Alkalde ng National Capital Region na irekomenda ang pansamantalang pagsasara sa lahat ng sementeryo at public memorial parks para maiwasan ang pagsipa ng Covid-19 cases bago at sa panahon ng All Saints’ Day at All Souls’ Day. Inaprubahan ng Metro Manila Council, kinabibilangan ng […]