Laure, Bagunas official Ambassadors para sa FIVB world men’s meet
- Published on March 6, 2025
- by Peoples Balita
IPINAKILALA sina Alas Pilipinas standouts Eya Laure at Bryan Bagunas bilang Official Ambassadors sa pamamahala sa bansa sa FIVB Men’s Volleyball World Championship Philippines 2025 sa Setyembre.
Makakasama rin nina Laure at Bagunas sa mga gagawing promotional tours dito at sa ibang bansa ang indie folk-pop band Ben&Ben bilang magiging Official Music Partner sa hosting ng world meet.
“Maraming salamat po dahil dito ay mas nakikilala ang volleyball sa Pilipinas at ngayon, best of the best pa ang magpupunta dito sa atin,” sabi ng 25-anyos na si Laure kahapon sa official launch na pinamunuan ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara sa The Vault sa BGC sa Taguig City.
Ang aktibidad ay simula ng isang six-month countdown bago ang makasaysayang event na hahataw sa Setyembre 12 hanggang 28.
“Nagpapasalamat po kami sa PNVF for bringing the world championship here. Sobrang laking bagay po nito sa Philippine volleyball community,” dagdag ng 25-anyos na si Bagunas.
Ang ‘Triumph’ ng Ben&Ben ang magiging official song sa kabuuan ng countdown para sa 32-team world tournament.
Nangako si Suzara na magiging matagumpay ang hosting ng bansa sa world meet katuwang ang Men’s World Championship Local Organizing Committee Executive Board.
“Let’s get it going. We’re 192 days away from history. Tulung-tulong tayo and let’s get the (full preparations) started,” sabi ni Suzara na siya ring executive vice president ng FIVB at presidente ng Asian Volleyball Confederation (AVC).
Nasa official launch din si Presidential son William Vincent “Vinny” Araneta Marcos, ang co-chairman ng LOC executive board at PNVF chairman emeritus kasama sina Senator Alan Peter Cayetano at Senator Pia Cayetano.
“Volleyball is really growing popular here in our country and I really can’t wait to see as we host the world championship,” ani Marcos.
“What we’re doing here is bigger than just volleyball. It’s bigger than one team, one goal and one NSA. It’s whole country effort to show the best of the Philippines,” dagdag ni Cayetano.
Naniniwala rin si Senator Pia Cayetano, miyembro ng LOC executive board, na lalong makikilala ang Pilipinas sa world sports dahil sa FIVB world men’s meet matapos ang matagumpay na 2023 FIBA Basketball World Cup hosting, ang Philippine national women’s football team sa 2023 FIFA Women’s World Cup at ang hosting ng 2025 FIFA Women’s Futsal World Cup
“It took us a lifetime to get here, to where the Philippine volleyball is, now hosting a world championship. This is not a regional or Asian championship but a world championship. This is major. We can make it happen but we have to do it all together to make it the best hosting ever,” sabi ni Cayetano.
-
BELA, ipinakilala na rin ang boyfriend na si NORMAN BEN BAY
SA wakas ay umamin na rin si Bela Padilla na may boy- friend na siya kasabay ng pagpapakilala niya kay Norman Ben Bay sa kanyang Instagram na may caption na “The one I met in St. Gallen.” Matatandaan na may ganitong pelikula si Bela na pinagtambalan nila ni Carlo Aquino for Viva Films, ang […]
-
‘Godzilla Vs. Kong’ Drops New Poster And First Trailer
TWO of the most iconic monsters in film, Godzilla and King Kong are ready for a confrontation in the new Godzilla Vs. Kong poster. Warner Bros. and Legendary Entertainment will soon be releasing the big crossover film, now that their MonsterVerse had been set up by the Godzilla reboot in 2014, Kong: Skull Island in 2017, and 2019’s Godzilla: King […]
-
8 huli sa aktong sumisinghot ng shabu sa Valenzuela
ISINELDA ang walong katao, kabilang ang isang bebot matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot umano ng shabu sa magkahiwalay na drug operation sa Valenzuela City. Sa kanyang report kay Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, sinabi ni investigator-on-case PCpl Glenn De Chavez na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba […]