• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Leader ng “Ompong Drug Group” nalambat sa buy bust sa Navotas

MAHIGIT sa P1.2 milyon halaga ng ilegal na droga at baril ang nasamsam ng mga awtoridad sa leader ng isang “notoryus drug group” matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Rodolfo Reyes alyas “Ompong”, 43, leader umano ng notoryus na “Ompong Drug Group”, miyembero ng sputnik at residente ng  Block 13, Brgy. Longos Malabon City.

 

 

Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Santiago Hidalgo Jr., dakong alas-11 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pamumuno ni PLT Luis Rufo Jr., kasama ang SWAT team at Intelligence Section ng Navotas police ng buy bust operation sa C3 Road, Brgy. NBBS Kaunlaran.

 

 

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P12,000 halaga ng droga at nang tanggapin nito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang nasa 10.14 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,952, nasa 9,500 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price P1,140,000.00, buy bust money na isang tunay na P1,000 at 11 pirasong P1,000 boodle money, ingram X9 shooter, magazine, 5 pirasong bala ng 9mm, motorsiklo, digital weighing scale, cellphone at pocket notebook.

 

 

“Hangad namin ang patuloy na kaayusan at matahimik na CAMANAVA at ang  kapulisan ng NPD  ay gagawin ang makakaya sa pamamagitan ng paglunsad ng serye ng intensibong operasyon para masugpo ang illegal na droga at kriminalidad,” ani BGen. Hidalgo. (Richard Mesa)

Other News
  • Philippine Canoe Kayak Federation humirit ng tulong sa gobyerno

    PATULOY ang paghingi ng suporta sa gobyerno at sa ilang pribadong grupo ang Philippine Canoe Kayak Federation.     Kasunod ito sa pagkampeon ng bansa sa katatapos lamang na ICF Dragon Boat World Championships na ginanap sa Puerto Princesa, Palawan.     Sinabi ni Philippine Canoe Kayak Federation president Leonora Escollante , na magandang ipinamalas […]

  • Kahit inilibing na: KOBE, GIANNA PUBLIC MEMORIAL SA STAPLES MAY BAYAD

    INIHATID na umano sa kanilang huling hantungan ang mag-amang Kobe at Gianna Bryant dalawang linggo matapos masawi sa isang helicopter crash sa California.   Batay sa ulat sa US media, naging pribado lamang ang seremonya ng paglilibing na isinagawa sa Corona Del Mar, California nitong Pebrero 7.   “Vanessa and the family wanted a private […]

  • Ads June 25, 2024