• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LEADER NG ONLINE PROSTITUTION SA KOREA, DINAKMA SA PAMPANGA

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa pago-operate ng online prostitution advertising site.

 

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente ang ginawang pag-aresto kay Seo Jungnam, 41, sa Amor Riverside Anunas, Angeles City, Pampanga ng mga operatiba ng  BI’s Fugitive Search Unit (BI FSU).

 

Ang operasyon ay isinagawa sa pakikipagtulungan sa mga awtoridad ng Korea maTapos na nakatanggap ng impormasyon na si Seo ay wanted sa Korea na may Interpol Seoul Notice noong December.

 

Ayon kay BI FSU Chief Bobby Raquepo na si  Seo ay naninirahan na sa Pilipinas simula pa noong 2015 at siya ay suspek sa isang exploitation at prostitution case sa  Korea matapoS itong maglagay ng isang prostitution advertisements online.

 

Dahil dito,  isang  arrest warrant ang inisyu laban sa kanya ng Uijeongbu District Court sa  Korea noong 2018.

 

Si  Seo, kabilang ang kanyang mga kasapakat ay kumita ng halos 32M Korean Won o P1.3M dahil sa pago-operate sa nasabing online prostitution site na may pangalang Payboy.

 

“We received information from our Korean counterparts that Seo’s passport is also undergoing revocation, making him an undocumented alien,” paliwanang ni Raquepo. (GENE  ADSUARA)

Other News
  • NCAA sasambulat sa June 13

    Matapos ang mahigit isang taon pagkakatengga, lalarga sa Hunyo 13 ang special edition Season 96 ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).     Pormal nang inanunsiyo kahapon ni NCAA Management Committee (Mancom) chairman Fr. Vic Calvo ng host school Colegio de San Juan de Letran ang petsa ng opening ceremony ng pinakamatandang collegiate league sa […]

  • COVID-19 positivity rate sa NCR, bumaba sa 7.8 percent – OCTA

    BUMABA  ng may 7.8 percent ang CO­VID-19 positivity rate sa  National Capital Region (NCR)  nitong Nobyembre 7 mula sa 9.5 percent noong October 31. Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA research group, ang positivity rate ay yaong bilang ng mga taong napapatunayang may virus makaraang sumailalim sa COVID-19 test.     Sinabi ni David […]

  • Safer Internet Day: Globe, may webinar sa online child safety at protection

    PAGTITIPON-tipunin ng Globe ang key stakeholders at multi-sectoral partners ngayong buwan sa isang webinar.     Naglalayon ito na mapalawak ang kamalayan at maisulong ang tuloy-tuloy na pagkilos tungo sa proteksyon ng mga bata laban sa1 online sexual abuse at exploitation.     Ipagdiriwang ang annual Safer Internet Day, at ang Globe ay magho-host ng […]