League of Provinces umaapela sa IATF na iurong sa Nov. 1 ang pagsisimula ng Alert Level System
- Published on October 21, 2021
- by @peoplesbalita
Kung ang League of Provinces of the Philippines ang tatanungin, mas gusto nilang ilipat sa Nobyembre 1 ang expansion ng Alert Level System sa labas ng Metro Manila.
–
Ayon sa kanilang presidente na si Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. kailangan pa ng mga local governments ng sapat na panahon para bumalangkas ng executive orders, pag-aralan ang guidelines para sa enforcement nito, at maipabatid din sa kanilang mga nasasakupan ang tungkol dito.
Kaya naman ay aapela aniya sila sa IATF para ipagpaliban ang Alert Level System expansion na magsisimula sana ngayong araw, Oktubre 20, hanggang Oktubre 31.
Mababatid na kahapon lang inanunsyo ng Malacanang ang expansion ng Alert Level System.
Una itong ipinatupad sa Metro Manila noon pang Setyembre 16 sa ilalim ng pilot test basis.
Base sa anunsyo ng Malacanang kahapon, ang Negros Oriental at Davao Occidental ay ilalagay sa ilalim ng Alert Level 4.
Alert Level 3 naman ang nakataas sa Cavite, Laguna, Rizal, Siquijor, Davao City at Davao del Norte.
Samantala, nasa Alert Level 2 naman ang Batangas, Quezon, Lucena City, Bohol, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu, Davao de Oro, Davao del Sur, at Davao Oriental. (Gene Adsuara)
-
Hamsain dumale ng 3 gold
NAGNINGNING NANG HUSTO Si Fatima Hamsain nang humablot ng tatlong gold medal katatapos na Inner Strength Martial Arts 1st International E-Tournament eKata and eKumite Championships. Huling kpinamayagpagan ng Pinay karateka ang female under-15 e-kumite sa Shotokan E-Kata nang mangibabaw sa finals laban sa isang Greek opponent via 23.3-21.9 deicision. Siya rin […]
-
PBBM, ipinag-utos ang mapayapang resolusyon ng maritime dispute – NMC
NANANATILI ang posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isulong ang mapayapang resolusyon sa pinagtatalunang katubigan, kabilang na ang West Philippine Sea (WPS), sa kabila ng pinakabagong agresyon ng Escoda Shoal. “As directed by the President, the Philippines will fully utilize and continue to pursue diplomatic channels and mechanisms under the rules-based […]
-
Walang sorpresa sa PBA Draft 1st round
WALANG nakakagulat na hakbang sa first round ng virtual proceedings ng 36th Philippine Basketball Association Draft 2021 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong City kung saan naka-Zoom lang mga aplikante nitong Linggo. Hindi pinalampas ng Terrafirma si Joshua Munzon bilang top pick, No. 2 si Jamie Malonzo ng NorthPort, kinalabit ng North Luzon […]