LeBron James posibleng makapaglaro na laban sa Boston Celtics
- Published on November 23, 2021
- by @peoplesbalita
Posibleng makabalik na sa paglalaro si NBA star LeBron James matapos ang abdominal injury nito.
Inaasahan kasi ng Los Angeles Lakers na makakasama na nila si James para sa pagbisita nila sa Boston Celtics.
Itinuturing na mahalaga na makasama nila ang 17-time All-Star sa itinuturing nilang basketball rivalry sa kasaysayan ng NBA.
Dahil sa nasabing injury ay lumiban ng walong laro si James na nagsimula noong Nobyembre 2.
Sa apat na magkakasunod kasi na laro ng Lakers ay mayroong tatlong laro silang hindi nagtagumpay.
Sa kasalukuyan ay mayroong walong panalo at walong talo ang Lakers habang ang Celtics ay mayroong pitong panalo at walong talo.
-
Abalos, nangako ng gratuity pay at insentibo para sa mga job order at contract service workers sa gobyerno
NANGANGAKO si senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na magbigay ng regular na gratuity pay at insentibo para sa tinatayang 832,000 contract-of-service (COS) at job order (JO) workers sa gobyerno. Ayon kay Abalos, kung mahalal siya sa 2025, sisiguraduhin niyang mabibigyan ng gratuity pay ang mga manggagawang nasa ilalim ng contract of service at job […]
-
Mas malupit na cybersecurity vs banking hacks iginiit ni Bong Go
INIHAYAG ni Senator Bong Go na dapat magkaroon ng mas malupit na cybersecurity at digital protection para sa mga Filipino laban sa online scams o banking hacks kasabay ng pagtiyak na hahabulin ng gobyerno ang mga salarin sa likod nito. Kasunod ng kamakailang online banking scam at hacking incidents na nakabiktima sa ilang […]
-
Tuloy na tuloy na sa Nov. 26 sa Aliw Theater: PIOLO, magho-host pa rin sa awards night ng ‘6th The EDDYS’
TULOY na tuloy na ang inaabangang ika-anim na edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong taon. Matapos ma-postpone ang nakatakda sanang awards night nitong nagdaang October 22, inanunsyo na ng pamunuan ng SPEEd, sa pamamagitan ng Presidente nitong si Eugene Asis, magaganap na ang Gabi ng […]