• February 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LEE SEUNG GI, pinakikiusapan ng nagulantang na ‘Knetz’ na hiwalayan na si LEE DA IN after na maglabas ng official statement

ANG South Korea’s Superstar na si Lee Seung Gi ay ginulantang ang lahat, lalo na ang kanyang mga tagahanga dahil sa lumabas na balita at mga paparazzi pictures mula sa Dispatch na “dating” na ito sa isang 5 years younger sa kanyang Korean star na si Lee Da In.

 

Pagkalabas ng breaking news noong Lunes, kinumpirma na agad ito ni Da In ( napanood sa ‘Hwarang,’ ‘My Golden Life,’ ‘Alice’) at ng kanyang agency na totoo  nga. Pero si Seung Gi (ang recent drama niya na napanood sa VIU, under tvN ay ang pyscho/crime/thriller drama na ‘Mouse’ ay dalawang araw pa ang lumipas bago naglabas ng kanyang official statement.

 

 

Kasabay na rin sa statement na nilabas ng kanyang bago at pagmamay-ari na agency, ang Human Made na wala na nga siya sa Hook Entertainment na 18 taon niyang agency.

 

Ang official statement ng new agency ni Lee Seung Gi:
“Hello, this is singer and actor Lee Seung Gi’s new agency Human Made.

“First, we would like to apologize for releasing this statement late due to the process of establishing the agency.

“As reported in the media, Lee Seung Gi currently has positive feelings for actress Lee Da In, and they are at the stage where they are slowly getting to know one another.

“However, we ask that you refrain from groundless speculation and unconfirmed reports, and we hope that you will look warmly upon and support their relationship.

“Additionally, we would like to express our endless gratitude to CEO Kwon Jin Young of Hook Entertainment, where Lee Seung Gi spent 18 years starting from his trainee days, as well as the entire Hook Entertainment family. We will continue to root for each other in the future.

“We ask that you continue to show a lot of support for Human Made artist Lee Seung Gi in the future as he makes a fresh start. Thank you.”

 

 

Sa isang banda, dahil sa sinasabing hindi magandang family background ni Da In, marami sa Knetz o Korean netizens ang against na magtuloy ang relasyon nila. Naniniwala sila na baka makasira si Da In sa magandang imahe ni Seung Gi. Kaya ang iba, pinapakiusapan si Seung Gi na hiwalayan na ito.

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Nagbabala na ‘wag magpa-picture sa naka-costumes: YSABEL, nabudol sa Amerika ng ilang street performers

    NASA Los Angeles, California kasi si Ysabel para sa Manila International Film Festival.     At sa recent post in Ysabel sa kanyang Tiktok account ay inilahad niya ang pambibiktima sa kanya ng ilang street performers na naka-costume.     “Alam niyo ba, first day pa lang namin sa LA, nabudol na kaagad ako. ‘Yung […]

  • Abalos, handang makipag-dayalogo sa mga street vendors

    NAKAHANDA si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na makipag-usap sa mga street vendors lalo na sa Baclaran na nasasakupan ng Pasay at Paranaque City.   Biglang dumagsa at nagsulputan kasi ang mga illegal vendors sa Baclaran makaraan ang pagbaba sa Alert Level 3 sa Metro Manila na posibleng maging sanhi ng pagkalat […]

  • Top Regional Most Wanted Person, nabitag ng NPD sa Caloocan

    LAGLAG sa selda ang isang lalaki na nakatala bilang No. 6 Top Ten Most Wanted Person (TTMWP) sa National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos makorner ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City.   Ayon kay NPD Acting Director P/Col. Josefino Ligan, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan […]