Leonard bumida sa panalo ng Clippers
- Published on March 30, 2021
- by @peoplesbalita
Nagbagsak si Kawhi Leonard ng 28 points at nagdagdag si Terance Mann ng season-high 23 para banderahan ang Clippers sa 122-112 paglunod sa Philadelphia 76ers.
Nag-ambag si Paul George ng 24 points para sa pang-limang sunod na ratsada ng Clippers (31-16).
Umiskor si Tobias Harris ng 29 points para sa 76ers (32-14) na nagtapos ang six-game road winning streak habang may 17 at 16 markers sina Danny Green at Shake Milton, ayon sa pagkakasunod.
Sa Salt Lake City, humataw si Donovan Mitchell ng 35 points at may 28 markers si Fil-American guard Jordan Clarkson para sa 126-110 pagdurog ng Utah Jazz (34-11) sa Memphis Grizzlies (21-22).
Sa Milwaukee, tumipa sina Alec Burks at RJ Barrett ng tig-21 points para sa 102-96 paggupo ng New York Knicks (24-22) sa Giannis Antetokounmpo-less Bucks (29-16).
Sa Oklahoma City, humugot si Jayson Tatum ng 20 sa kanyang 27 points sa second half at nakabawi ang Boston Celtics (23-23) sa fourth quarter para kunin ang 111-94 panalo sa Oklahoma City Thunder (19-26).
Sa San Antonio, nagtala si Jakob Poeltl ng 20 points kasunod ang 17 markers ni DeMar DeRozan para ihatid ang Spurs (23-20) sa 120-104 pagpapak sa Chicago Bulls (19-25).
Sa New Orleans, kumamada si Zion Williamson ng 38 points at may 20 markers si Nickiel Alexander-Walker para sa 112-103 pagdaig ng Pelicans (20-25) sa Dallas Mavericks (23-21).
-
PNP naglatag na ng security measures vs magtatangkang manabotahe sa araw ng eleksyon
NAGLATAG na ng security measures ang Philippine National Police (PNP) laban sa anumang pagtatangkang pananabotahe sa darating na halalan sa Mayo 9. Sa isang statement tiniyak ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na hindi magtatagumpay ang anumang masamang plano sa mismong araw ng eleksyon dahil nagsasagawa na aniya sila ng contingency measures upang […]
-
IKA-2 SWAB TESTING SA BUBBLE NEGATIBO MULI
MULING nagnegatibo lahat ang resulta sa huling swab tesing ng 12 teams na nasa 45 th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup eliminations bubble sa Angeles, Pampanga. Ang Clark Development Corporation (CDC) ang namahala sa second round tests para sa coronavirus disease na isinagawa sa nakaraang linggo. May 10 araw na ang […]
-
Gobyerno, naglaan ng P3B para sa rehabilitasyon, modernisasyon ng 8 airports sa bansa
TINATAYANG 8 paliparan sa buong bansa ang makatatanggap ng pondo sa ilalim ng 2023 national budget para isailalim sa rehabilitasyon at pagsasaayos. Sa kalatas na ipinalabas ng Department of Budget and Management (DBM), sinabi nito na ang paglalaan ng pondo ay nakaayon sa implementasyon ng 8 airport projects na nakapaloob sa ilalim ng […]