• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LGBT Bulacan Federation, naglaan ng 600 vaccination slots para sa mga Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Naglaan ang Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office at Provincial Health Office – Public Health, sa inisyatiba ng LGBT Bulacan Federation, ng 600 vaccination slots para sa mga Bulakenyo laban sa COVID-19 na isasagawa sa Nobyembre 11, 2021, 8:00 N.U. hanggang 2:00 N.H. sa Provincial Vaccination Site, Hiyas ng Bulacan Convention Center, Capitol Compound, dito.

 

 

Naka-post ang registration form sa Bulacan Tourism Facebook Page kung saan may 600 slots ng Pfizer vaccines ang nakareserba para sa mga indibidwal na may edad na 18 pataas, kung saan matapos mag-register, isang confirmation text message ang ipadadala sa kanila.

 

 

Kinakailangan ding magdala ng valid ID, sariling ballpen, face mask at face shield ng mga nagparehistro; kung walang valid ID, maaaring dalhin ang birth certificate, student ID o barangay clearance, habang ang mga indibidwal na buntis o may comorbidity ay kinakailangang magdala ng medical clearance.

 

 

Sinabi naman ni Gob. Daniel R. Fernando na malakas ang kanyang paniniwala na muling makakabangon ang lalawigan mula sa pandemya.

 

 

“Hindi po ako mapapagod na magpaalala sa inyong lahat na magpabakuna kung ang kapalit naman nito ay ang immunization na ninanais natin mula ng magsimula ang pandemyang ito. Hangga’t patuloy po ang pagbabakuna sa ating lalawigan, tumitibay po ang aking paniniwala na tayo ay makababalik sa normal nating mga pamumuhay,” anang gobernador.

 

 

Samantala, mahigpit na ipinagbabawal ang mga walk-in at ipinagbabawal rin sa mga nagparehistro ang pag-inom ng kahit anong uri ng alak isang araw bago ang pagpapabakuna.

 

 

Para sa iba pang mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office sa 09190793526.

Other News
  • Halos 40 bansa na ang nagtala ng Omicron coronavirus variant – WHO

    Umabot na sa 38 mga bansa ang nakapagatala ng Omicron coronavirus variant.     Itinuturing kasi ng World Health Organization (WHO) na ang nasabing variant ng COVID-19 ay mabilis humawa.     Pinakahuling bansa ang US at Australia na may naiulat na local transmission ng Omicron.     Nagbabala ang WHO na aabutin pa ng […]

  • PDu30, nakiusap kay President Xi Jinping na hayaan ang mga mangingisdang Pinoy na makapangisda sa WPS

    NAKIUSAP si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Chinese President Xi Jinping na hayaan lamang ang mga mangingisdang Filipino na mapayapang makapangisda sa West Philippine Sea.   “I told him: ‘We have no quarrel. So just leave the fishermen alone because they have to eat,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes […]

  • After 20 years, kaya masaya ang mga anak: LOTLOT, tinanggap agad dahil blessing na muling makasama si RAMON CHRISTOPHER

    BAGO pa man sumikat ang mga kilalang loveteams nina Bianca Umali at Ruru Madrid at Mikee Quintos at Paul Salas na mga bida sa ‘The Write One’ ng GMA at VIU Philippines ay umalagwa ng husto noon ang tambalan nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.     Na humantong nga sa kasalan ng dalawa […]