• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LGUs handang maglabas ng ordinansa para sa mandatory vaccination – LPP

Bukas si League of Provinces of the Philippines (LPP) president at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. sa ideya na maglabas sila ng ordinansa para sa mandatory vaccination kontra COVID-19.

 

 

Nakapaloob aniya sa ilalim ng Local Government Code ang clause hinggil sa general welfare na nagpapahintulot sa mga local government units na magpasa ng mga ordinansa para sa kapakanan ng kanilang mga nasasakupan.

 

 

Inirekomenda ni Health Secretary Francisco Duque III na gamitin ang kapangyarihan na mayroon ang mga LGUs habang wala pang naipapasang batas para sa mandatory vaccination.

 

 

Pero, iginiit ni Velasco na dapat ding ikonsidera ng mga LGUs ang karapatan sa kalusugan, mga paniniwala sa reliheyon, at dapat may informed consent sa pagsusulong sa naturang mungkahi.

 

 

Gayunman, sakaling matuloy man ang paglalabas ng ordinansa para sa mandatory vaccination, sinabi ni Velasco na posibleng magpataw ng mga penalties ang mga LGUs sa sinumang lalabag dito.

 

 

Pinayuhan naman niya ang mga LGUs na maging maingat sa pagpasa ng ordinansa sa naturang usapin dahil maapektuhan aniya nito ang buhay ng napakaraming tao at posible ring makuwestiyon pa sa korte kung sakali.

 

 

Samantala, sinabi rin ni Velasco na mayroong discretion ang mga LGUs kung sila ba ay magbibigay ng cash bonuses sa mga bakunado nang empleyado tulad ng ginagawa sa mga nagtatrabaho sa Cebu City Hall na makakatanggap ng P20,000 bonus sa Pasko kapag fully vaccinated na kontra COVID-19.

Other News
  • 4 tulak tiklo sa Navotas, Valenzuela buy bust

    APAT na hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas at Valenzuela Cities, kahapon ng madaling araw.     Sa kanyang kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig na […]

  • Unahin ang kumakalam na sikmura ng mamamayan sa halip na pagtambak ng dolomite sa Manila Bay

    Unahin ang kapakanan ng mamamayan kaysa pagtambak ng dolomite sa Manila bay Hinimok ng opisyal ng simbahan ang pamahalaan na unahing tugunan ang pangangailangan ng mamamayan.     Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, mahalagang bigyang prayoridad ang kasalukuyang suliranin sa kalusugan ng tao at ekonomiya. “Kung talagang ang problema ngayon […]

  • Mga kaso ng manggagawa, mahihirap tututukan

    PRIORITY daw ngayon ng ACT-CIS Party-list ang pagtutok sa mga kaso ng mga mahihirap at manggagawa sa bansa.     Ayon kay ACT-CIS 1st nominee Cong. Edvic Yap, “dumarami ang mga lumalapit sa opisina namin na may mga suliranin sa trabaho at sa kanilang komunidad o barangay.”     Aniya, “ang problema hindi nila alam […]