• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LGus, kasama na sa A4 priority list na matuturukan ng covid 19 vaccine

KASAMA na ang mga opisyal ng local government units (LGU) sa “A4” priority na matuturukan ng Covid-19 vaccine.

 

Makakasama ng mga ito sa priority list ang iba pang frontline personnel sa essential sectors kabilang na ang uniformed personnel at nasa working sectors.

 

“A4 po ata ha, but I could be wrong, pero kasama na sila sa A priority ,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sinabi ni Sec. Roque na ang iba pang opisyal ng pamahalaan gaya ng mga Cabinet members ay mananatili sa “B2” category.

 

“Well, I think not all government officials will have priority. In fact, doon kami sa ‘B’, matapos iyong unang priority,” aniya pa rin.

 

Nilinaw ni Sec. Roque na hindi lahat ng government officials ay kasama sa priority list ng pamahalaan.

 

“There will be priority for government workers ‘no. Pero sa ngayon po, hindi pa po kasama ang lahat ,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa ngayon ay may 1,634 provincial governors at city at municipal mayors at 42,046 barangay chairpersons sa buong bansa.

 

Ani Sec. Roque, marami pang opisyal ng pamahalaan at manggagawa ang nahawaan ng Covid-19.

 

Umaasa naman si Sec. Roque na ikukunsidera ng interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) na pag-aralan ang inclusion o pagsasama sa iba pang government officials sa priority list.

 

“Pinag-aaralan naman po siguro iyan ng ating mga miyembro ng NITAG kasi mayroon talagang mga taong front-liners within government service na hindi ‘health’ at kasama po iyong opisina namin ‘no dahil  we provide information at this critical time of a pandemic,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Para sa inisyal na vaccination rollout, gumagamit ang pamahalaan ng donated vaccines mula Chinese drugmaker Sinovac at COVAX facility.

 

Sumipa naman ang vaccination program ng gobyerno para sa frontline healthcare workers noong Marso 1.

 

Inaasahan naman na darating sa bansa sa second quarter ng taon ang bulto ng vaccine doses. (Daris Jose)

Other News
  • Ads July 15, 2022

  • Mga senior citizens, pinayuhan na mag-doble ingat

    PINAYUHAN at pinaalalahanan ng Malakanyang ang mga senior citizen na dagdagan pa ang ginagawang pag-iingat kasunod ng nakitang datos ng DOH sa hanay ng mga nasa critical cases.   Batay kasi sa pinakahuling numerong inilabas ng DOH, tumaas kasi ang porsiyento ng mga pasyenteng nakahanay sa critical status.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, […]

  • Sec. Duque, may karapatan sa due process sa harap ng ibinabatong akusasyon laban sa kanya

    HINDI dapat ipagkait kay DOH Secretary Francisco Duque lll ang karapatan nito na mabigyan ng due process sa gitna ng mga kinakaharap nitong kontrobersiya. Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa polisiya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na amoy pa lang ng korupsiyon ay may ipapataw ng aksiyon sa mga nadadawit sa iregularidad. […]