LGUs, magdo-double time sa vax drives: Año
- Published on November 17, 2021
- by @peoplesbalita
MAS paiigtingin at dodoblehin ng local government units (LGUs) ang kanilang pagsisikap para sa gagawing paghahanda para sa three-day national inoculation program mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.
Sa katunayan ani Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, tatanggap ang LGUs ng mga walk-in applicants.
Tinukoy nito ang nasa ilalim ng A2 (senior citizens), A3 (adults with comorbidities), at A4 (essential frontline personnel) categories.
Pinuri naman nito ang Kalakhang Maynila para sa mataas na vaccination rate habang kailangan namang humabol ng ibang rehiyon.
“Ang problema na lang natin sana paano makaka-adjust ‘yung mga ibang LGUs outside of Metro Manila kaya ‘yun ang aming nakatutok ngayon at sa pulong na ginanap with the governors and the mayors, nag-commit naman sila na dodoblehin nila ‘yung kanilang pagbabakuna at sisiguraduhin nila na tumaas ‘yung vaccination rate at makapag-prepare sa,” ayon kay Año.
Sa kabilang dako, umaasa naman ang pamahalaan na mapapataas ang pagbabakuna ng 1.5 milyon kada araw para makamit ang population protection bago matapos ang taon.
Sa three-day activity, target namang mabakunahan ang 5 milyong indibiduwal.
Tiniyak din ni Año ang full preparations sa pakikipag-ugnayan sa mga uniformed personnel upang maiwasan ang overcrowding, kabilang na ang vaccination sites, hiring ng mas maraming vaccinators, sasakyan na magpi-pick up sa mga bakuna at agarang pagde-deliver ng mga bakuna.
Nagsasagawa naman ang local chief executives ng mga miting sa DILG regional offices, Department of Health regional directors, kapulisan , at iba pang concerned parties.
“Day 1 will fall on a Monday that is why we are recommending that this be declared a holiday to allow everybody to focus on the vaccination and those going to be vaccinated will have no work,’’ ayon kay Año.
Aniya pa, ang mga lokalidad na may “poor performance sa kanilang pagbabakuna ay paunang mabibigyan ng tulong.
Ang mga LGUs na may satisfactory vaccination rates ay kikilalanin.
“There are also LGUs willing to provide assistance to adjacent neighboring localities that are having a difficult time in their vaccination drives,” ayon sa Kalihim. (Daris Jose)
-
VFA OUT
NAIPAALAM na ng gobyerno ng Pilipinas sa United- States ang termination ng Visiting Forces Agreement (VFA), magkakabisa ito pagkalipas ng 180 araw makaraang matanggap ang notice. Kasunod nito ay matitigil na ang pagbisita ng US troops sa bansa para magsagawa ng exercise kasama ang Philippine troops. Nagsimula ang VFA noong 1998. Dalawang dekada na […]
-
Marcos Jr. suportado ang modernisasyon ng PCG
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na suportado ng kanyang administrasyon ang modernisasyon ng Philippine Coast Guard (PCG). “As your leader, I assure you that this Administration will always be behind you, supportive of your efforts and initiatives to modernize the Philippine Coast Guard, which will redound to the better delivery of […]
-
Tradisyunal na pagtitipon, bawal muna – QC LGU
LIMITADO na ngayon ang tradisyunal na mga pagtitipon sa lungsod Quezon. Ito ay dahil ipinagbabawal na ng lokal na pamahalaan ang iba’t ibang uri ng malakihang mga pagtitipon sa lungsod upang maiwasan ang paghahawaan ng COVID-19. “Dahil inaasahan na natin ang mga pagtitipon sa mga piyesta, Chinese New Year at iba […]