LGUs maghanda sa super typhoon – Marcos Jr.
- Published on May 29, 2023
- by @peoplesbalita
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga lokal na pamahalaan na paghandaan ang mga posibleng pag-ulan at pagbaha na maaaring idulot ng super typhoon Mawar.
Muling tiniyak ng Pangulo sa publiko na naka-standby ang disaster council sa pagpasok ng super typhoon.
Ayon kay Marcos, inilagay na ng gobyerno ang mga relief goods sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng Mawar, karamihan sa hilagang Luzon.
Binanggit ni Marcos na inaasahan ng state weather forecaster na palakasin ni Mawar ang habagat at magdadala ng mga pag-ulan sa ibang mga lugar, kahit na hindi ito inaasahang tatama sa lupa.
“Dito sa bagyong ito…although daraan lang north of the Philippines, apparently hihilahin niya ‘yung habagat para — and there is a chance na magkakaroon ng malakas na ulan pati hanggang — hindi lang southern Luzon, Visayas, pati baka Mindanao. Kaya’t we have already warned the LGUs to prepare in case of heavy rains and flooding.”
Ipinauubaya ni Marcos sa mga LGUs kung ano ang nararapat na gawin kasabay ang pagtiyak na nakaalalay sa kanila ang national government.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na parehong handa ang manpower at relief assistance para sa mga posibleng paglikas dahil sa Bagyong Mawar. (Daris Jose)
-
Ads November 4, 2024
-
PISTON maglulunsad ng 3-day “tigil pasada”
NAG-ANUNSYO ang transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) na maglulunsad sila ng 3-day “tigil pasada” upang tutulan ang pagpapatupad ng PUV consolidation na may deadline sa Dec. 31. Itinakda ng PISTON ang darating na strike simula sa November 20 kung saan nila pinahayag sa isang […]
-
WATCH THE FIRST TRAILER OF “FANTASTIC BEASTS: THE SECRETS OF DUMBLEDORE” NOW
YOU are invited back to the magic. Watch the first trailer of “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore,” only in Philippine cinemas soon. YouTube: https://youtu.be/WImIBmuICrQ Facebook: https://www.facebook.com/warnerbrosphils/videos/659034998437494/ About “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” Warner Bros. Pictures’ “Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore” is the newest adventure in […]