• July 18, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LGUs may 1-time extension para sa cash aid distribution hanggang May 15 – DILG

Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nasa 61.85% na ang naipamahagi sa kabuuang P22.9 billion na pondo na inilaan ng gobyerno para sa mga residente ng National Capital Region (NCR) na apektado sa dalawang linggong re-imposition ng enhanced community quarantine (ECQ) sa “Plus Bubble.”

 

 

Nasa P4,000 cash aid ang ibinigay ng pamahalaan sa bawat pamilya.

 

 

Ayon kay Año, sa Metro Manila 68.51% ng kompleto at mayroon ng ECQ-fund disbursement, sumunod ang Laguna na may 65.76% completion, Rizal na may 56.9%, Bulacan na may 53%, at Cavite na may 47%.

 

 

Inihayag din ng kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) na kanilang bibigyan ng “one-time extension” para sa cash aid distribution ang mga local government unit (LGU) hanggang May 15.

 

 

Layon nito na kanilang matugunan ang mga reklamo kaugnay sa pamamahagi ng tulong pinansyal at maayos ito sa kanilang lebel pa lamang upang hindi na umabot pa sa demandahan.

 

 

Pinuri naman ng kalihim ang mga LGU sa maayos na pamamahagi ng cash aid.

 

 

Binigyang-diin ni Año, na kanilang papanagutin ang mga local officials na mapatunayang magbubulsa ng pera ng gobyerno. (Daris Jose)