• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LGUs sa NCR nagkasundo na magtulungan na bakunahan ang residente ng bawat isa

NAPAGKASUNDUAN ng local government units sa National Capital Region (NCR) na magtulungan sa pagbabakuna ng mga residente ng bawat isa.

 

Sa virtual press briefing ni Presidentia spokespeerson Harry Roque, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos na kailangan lamang na ang COVID-19 vaccine recipients ay magtakda muna ng kanyang iskedyul at makakuha ng QR code para maturukan ng bakuna laban sa covid 19 mula sa NCR LGU.

 

“Now we are going to vaccinate as one,” ayon kay Abalos.

 

“So napagkasunduan na magkaroon ng QR code na yung mga labas namin na hindi resident ng LGU ay puwedeng magpabakuna,” dagdag na pahayag nito.

 

Plano rin aniya nila na palawigin ang pagbabakuna ng NCR LGUs sa mga kalapit na lalawigan gaya ng Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia na ang NCR LGUs ay magkakaroon ng uniform registration para sa COVID-19 vaccination.

 

Nauna rito, nanawagan naman si Marikina City Mayor Marcelino Teodoro  nang pagtutulungan sa pagbabakuna sa hanay ng local government units para makamit ang herd immunity sa rehiyon.

 

Aniya, naghihintay lamang ang Marikina City government ng polisiya sa inisyatibang ito mula sa National Vaccination Operations Center.

 

Binigyang diin nito na ang daylight population o mga taong regular na nagpupunta sa Kalakhang Maynila para magtrabaho, pumasok sa eskuwela at mag-negosyo o kalakal ay kailangan din na makasa sa vaccination efforts ng NCR LGUs. (Daris Jose)

Other News
  • Bryan, overwhelmed sa special award ng ’The EDDYS’: Movie ni VILMA sa Mentorque, ‘di tiyak kung isasali sa 50th MMFF

    MALAKI nga ang posibilidad ng muling paggawa ng pelikula ni Vilma Santos-Recto after ng successful comeback niya sa ‘When I Met You In Tokyo’ na naging bahagi ng 49th Metro Manila Film Festival last year, na kung saan nagbigay sa kanya ng back-to-back best actress awards.       Isa nga ito sa napag-usapan sa […]

  • Bulacan achieves Hall of Fame award for Local Revenue Generation

    CITY OF MALOLOS- The consistent and exemplary performance of the Province of Bulacan in local revenue collection under the administration of Governor Daniel R. Fernando has once again been recognized as the Department of Finance (DOF)-Bureau of Local Government Finance (BLGF) conferred to the province the Hall of Fame award for Local Revenue Generation during […]

  • SBP nagpaplano na para sa FIBA ACQ hosting

    Simula na ang planning session ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa hosting ng bansa ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero.   Nagsagawa na ang mga opisyales ng SBP ng ocular inspection sa Angeles University Foundation gym sa Angeles, Pampanga na posibleng pagdausan ng mga laro.   Binisita rin ng SBP ang Quest […]