• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LIBRENG BOARD EXAM KAPALIT NG SERBISYO SA GOBYERNO

NAG-ALOK ang pribadong sektor na sagutin ang mga gastusin para sa board review ng mga kwalipikadong nursing graduates kapalit ng apat na taon na return service sa mga ospital ng gobyerno.

 

 

Sinabi ni Health Secretary Ted y Herbosa,na  ito ay kaugnay ng plano niyang kumuha ng mga hindi lisensyadong nursing graduates para magtrabaho sa gobyerno, basta’t makapasa sila sa board exam pagkatapos ng ilang panahon.

 

 

“Lumapit sa akin ang private sector, sila na raw ang magbibigay ng scholarship sa mga nurse na hindi makapasa kung iha-hire sila doon sa position na ‘yun,” sabi ng kalihim sa isang panayam.

 

 

Binanggit ni health chief na ang tuition sa review centers ay umaabot sa P25,000 at hindi lahat ng nursing graduates ay kayang bayaran ito.

 

 

Sa sandaling maipasa ang board exam, sinabi ng kalihim na ang lisensyadong mga nurse ay pipirma ng four-year return service agreement at magbibigay serbisyo sa ospital ng gobyerno bago sila payagang mag-abroad.

 

 

Sa kasalukuyan, may 4,500 na bakanteng plantilla items para sa mga nurse sa mahigit 70 ospital ng DOH, ayon kay Herbosa .

 

 

Nauna nang sinabi ni Herbosa na handa siyang kumuha ng mga hindi lisensyadong nursing graduates kung mayroon silang mga diploma mula sa accredited nursing schools.

 

 

Kung papayagang magtrabaho sa gobyerno, sinabi niya na ang mga nagtapos ay maaaring makakuha ng panimulang sweldo na humigit-kumulang P35,000 hanggang P40,000, na maaaring tumaas pa.  GENE ADSUARA

Other News
  • BIR patuloy ang paghabol sa mga vloggers at online sellers

    PATULOY  pa rin ang gagawing paghahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga influencer, vlogger at online sellers.     Sinabi ni BIR deputy commissioner Marissa Cabreros, na hindi sila tumitigil sa paghahanap ng mga impormasyon sa income ng mga ito.     Susulatan aniya nila ang mga ito kapag hindi nagdeklara ng tama […]

  • May covid o wala, tuloy ang takbo ng ekonomiya- Sec. Roque

    “Covid or no Covid tuloy po ang pagtakbo ng ating ekonomiya.”   Ito ang bahagi ng mensahe ni Presidential spokesperson Harry Roque sa isinagawang 10 million Fully Vaccinated Filipinos sa 5th Level Megatrade Hall, SM Megamall noong Huwebes, Agosto 5.   “Bukas magsisimula naman po tayo ng ECQ. Ngunit hindi po ibig sabihin na magsasara […]

  • ‘Full vaccination’ ng COVID-19, kasama na 1st booster shot

    SANG-AYON si Health Secretary Francisco Duque III sa panawagan ng health experts na i-redefine ang “full vaccination” sa pamamagitan ng pagsama ng first booster shot.     Sa kasalukuyan, ang naturukan na ng 2 vaccination shots ay itinuturing na “full vaccination” sa bansa, samantalang ang ibang bansa ay redefined na ang kanilang “full vaccination” status […]