Libreng face mask, nais ni PDu30 na ibigay sa mga mamamayang Pinoy
- Published on March 19, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nais niyang bigyan ng pamahalaan ng libreng face mask ang mga mamamayan upang matiyak na susunod ang mga ito sa COVID-19 safety protocols.
“Let me explain to the people in simple terms. Iyong bakuna — it’s the mask. Eh iilang gamit lang ‘yan. But iyong iba lumang-luma eh isang buwan na ginagamit because you know they do not have money to buy. We have to provide the mask for everybody. Eh kung iyang tao walang pera mabili ng mask, how do you expect compliance from him? ani Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.
Makatutulong aniya sa bagay na ito ang Department of Interior and Local Government (DILG) at ang mga kapitan ng barangay.
“So it’s good. I think DILG again and the barangay captains makatulong po kayo. Same, you have the same data sa mga tao kung sino ‘yong nabakunahan, sinong hindi. So para ‘yong iba nag — you know, when they buy a mask, it can be worn for so many days only. And na-ano na, the property of the VACC — of the mask is lupay-lupay na. So kung kailangan na we ask the people to comply, we also look into the possibility that they cannot buy it. So government, sa panahong ito, must provide. Kailangan talaga nila so huwag natin… ,” ayon sa Pangulo.
Batid din ng Pangulo na ang face mask na ginagamit ng mga ordinaryong mamamayan ay ginagamit ng ilang beses hanggang sa wala ng maging silbi ang face mask sa tunay na intensyon nito dahil puno na ng pawis.
“You know, when they — when they get sick, ika nga, you cannot flog o flog o flog a dead horse. Kaya at least every two days puro pawis na ‘yan at I said the properties of that mask might not be really as strong as what it is intended for,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo. (Daris Jose)
-
Fajardo, 2 iba pang higante ‘tambay’ muna
LIBAN ang tatlong higante sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020, pero tiyak na hindi maglalaho ang kasabikan sa pagbukas nito sa Marso 8 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Sila ay sina five-time Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel Beer, Gregory William Slaughter ng Barangay Ginebra San […]
-
BACK IN THE DIRECTOR’S CHAIR: WHY BEN AFFLECK IS THE BEST PERSON TO BE AT THE HELM OF “AIR”
FOR Ben Affleck, an avid sports fan, directing “AIR” was an honor. The film, which opens in cinemas April 19, features a topic that’s very dear to him, boasts an excellent cast, and has a passionate and creative team behind the scenes. Plus, he got to work directly with the Greatest of All Time, Michael […]
-
Jarencio positibo sa pilay na Batang Pier
WALANG sablay ang NorthPort sa playoffs sa nakalipas na taon, pinakamataas na placing ang No. 2 sa midseason Commissioner’s Cup pero dalawang beses nilango ng San Miguel Beer sa quarterfinals. Pinakamataas na tinapos ng Batang Pier ang semifinals sa season-ending Governors Cup pero milasing din ng Barangay Ginebra San Miguel sa best-of-five. Sa pagpalaot […]