• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libreng pera padala para sa OFWs, inilunsad

INILUNSAD  nitong Linggo ang pagsasanib ng Sendwave at GCash na bagong “fee-free money transfer apps” o “libreng pera padala” na layong  matulungan ang mga overseas Filipino workers at ang kanilang mga mahal sa buhay na pakinabangang mabuti ang ipinadadalang mga remittance.

 

 

Ayon kay Dan Santos, Sendwave Growth Manager sa Pilipinas, nakipagtambalan na sila sa mga  tradisyunal na paraan ng ‘money transfer’ gaya ng bank transfers o cash collection at maging sa mga digital wallets tulad ng GCash.

 

 

Aniya, Setyembre 2021 nang ilunsad nila ang Sendwave sa Pilipinas bilang pagtugon sa pandemyang dulot ng Covid-19 kung saan tinatayang makakatipid ang mga OFW ng $1 bilyong kada taon sa paggamit ng kanilang fee-free up.

 

 

Sinabi naman ni Julie Abalos, International Remittance Head ng GCash, na 83 percent ng adult population ng bansa ay gumagamit na nito.

 

 

Ang Sendwave ay unang inilunsad noong 2014 at napalawig sa parte ng mga bansang Africa, Asia at Latin America at ngayon ay halos isang milyong katao na ang gumagamit nito, na nakapagpadala na ng mahigit $10 bilyon sa kanilang mga pamilya at mga kaibigan.

 

 

Bilang endorser, sinabi naman ni King of Talk Show host na si Boy Abunda, agad siyang napapayag dahil nakita niya ang kahalagahan ng ‘Sendwave app’ sa mga Filipino sa iba’t ibang bansa. Aniya, malaking tulong sa OFWs ang kanilang natitipid sa bayarin sa pagpapadala ng remmittance.

 

 

Maaaring mag-download ng Sendwave app sa App Store o Google Play sino man nasa America, Canada at parte ng Europe upang madaling matanggap ng kanilang pamilya sa Pilipinas ang remittances. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Di mo DeCerv’: Empowering Communities in the Fight Against Cervical Cancer

    No one deserves to experience cervical cancer.     This is why HPV and cervical cancer awareness event “Cervical Cancer: Di mo DeCerv” brought together medical organizations, patient communities, and the public in a shared mission to combat cervical cancer in the Philippines.     The event, by MSD in the Philippines, was supported by […]

  • VisMin sasaklolo sa basketbol

    PUNTIYRA ng Pilipinas VisMin Super Cup na mabigyan ng magandang buhay, mapaangat ang playing career ng mga manlalaro sa nalalapit na pagbubukas ng isa pang propesyonal na liga ng basketbol sa bansa.     “We will be very happy kapag marami na sa aming mga player ang makikita namin na kukunin para maglaro sa Manila […]

  • First appearance ni SHARON sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, inabangan at nasilayan na bilang Aurora

    NOONG Biyernes, November 26, ang unang araw ng paglabas ni Megastar Sharon Cuneta sa FPJ’s Ang Probinsyano.     Si Sharon mismo ay nag-share ng teaser sa kanyang FB page kung saan ipinahayag niya na lalabas na siya sa highly-popular action series ni Coco Martin.     Ang ‘very special participation’ ni Sharon ay ang isa […]