• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libreng Sakay 24/7 operations sa EDSA Busway magsimula sa Dec. 1

INANUNSYO  ng Department of Transportation (DOTr) na ang 24/7 na operasyon para sa libreng sakay sa EDSA Busway ay magsisimula sa Disyembre 1, 2022.

 

 

Sa una, ang 24/7 na operasyon ng Libreng Sakay ay naka-iskedyul noong Disyembre 15.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na inatasan ni Sec Jaime Bautista ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipatupad ang 24/7 operations.

 

 

Ang inisyatiba ng DOTr at ng LTFRB ay upang matiyak na ang mga pasahero ay makakabiyahe nang lampas sa karaniwang oras ng operasyon sa EDSA Busway.

 

 

Ang 24/7 na operasyon ng Libreng Sakay ay dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa panahon ng Pasko at ang mga adjusted na oras ng mall sa Metro Manila mula 11 a.m. hanggang 11 p.m.

 

 

Ayon sa DOTr, maglalabas ang LTFRB ng Board Resolution para gawing pormal ang pagpapatupad sa Disyembre 1 sa ilalim ng Service Contracting Program.

 

 

Noong Agosto 16, nagbigay ang Department of Budget and Management (DBM) ng P1.4 bilyong karagdagang pondo para mapalawig ang libreng sakay sa EDSA Busway. (Daris Jose)

Other News
  • Buntis, nagpapa-breastfeed na ina kasali na sa 4Ps

    MAAARI nang isama ang mga buntis at nagpapa-breastfeed na mga ina sa listahan ng benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.         Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawig pa sa coverage ng 4Ps para masiguro ang kaligtasan ng mga sanggol sa unang 1,000 araw.     […]

  • Sara Duterte, VP inauguration tuloy sa Davao sa Hunyo; may misa, concert

    SIGURADO nang idaraos ang inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte sa Davao City sa Hunyo 19.     Sa katunayan, idaraos ang inagurasyon sa San Pedro Square simula alas- 3:00 ng hapon at magtatapos ng alas-11:00 ng gabi.     Papayagan naman ang publiko sa nasabing lugar ng alas-2:00 ng hapon.     Magsisimula ang […]

  • Ads October 9, 2021