• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Lifetime ban’ sa Comelec gun ban violator plano ng PNP

TAHASANGsinabi ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Rommel Francisco  Marbil na  pinag-aaralan na nila ang   pagpapatupad ng  ‘lifetime  ban’ sa mga lumabag sa Commission on Elections (COMELEC) gun ban.
Sa pagtungo ni Marbil sa  Antipolo  City Police Station, sinabi nito na inaaral na umano nila ang batas at nakatakda silang makipag-usap sa mga abogado para sa legalidad ng ilalabas na kautusan.
Ayon kay Marbil, sa pagpapatupad ng “lifetime ban” wala silang sasantuhin o sisinuhin. Nangangahulugan lamang na sasakupin nito ang kautusan basta’t lalabag sa COMELEC gun ban.
Samantala, binigyan ng medalya ng kaga­lingan ni Marbil ang 8 pulis sa Antipolo na mabilis na rumes­ponde sa naganap na road rage.
Kinilala ang mga ito na sina PLt. Orlando Santos Jalmasco; PCMS. Rannel Delos Santos Cruz; PCp|. Kaveen-John Rubia Vea; PCp|. Joeban Acosta Abendaño; PCpl. Niño Cipriano Chavez; Pat. Reylan Rivarez De Chavez ; Pat. Michael Keith Lalican Panganiban at Pat. John Mark Bacli Manahan. ( Daris Jose)
Other News
  • TOM HANKS PLAYS THE SHADY MANAGER OF “ELVIS” PRESLEY

    OSCAR-WINNER Tom Hanks stars as Elvis Presley’s enigmatic manager, Colonel Tom Parker in Warner Bros.’ “Elvis,” an epic, big-screen spectacle from visionary, Oscar-nominated filmmaker Baz Luhrmann that explores the life and music of Elvis Presley (Austin Butler).       [Watch the new “Elvis” spot at https://youtu.be/FXswEG3eH8Y]     As told by Parker, the film […]

  • ANDREA, naglitanya at wala nang paki kay DEREK dahil matagal nang naka-move-on

    NAGKAKAROON ng diskusyon o palitan ng kuro-kuro ang netizens na pumapanig sa Kapuso actress na si Andrea Torres at may mas pinapaboran si Derek Ramsay, kasama na rin ang fiancée nito na si Ellen Adarna.     Katulad nga ng naisulat namin dito, babasagin na rin ni Andrea ang kanyang katahimikan sa last year’s break-up […]

  • 11 baboy naharang sa Quezon City positibo sa ASF

    KINUMPIRMA ng Bureau of Animal Industry (BAI) na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang mga baboy na laman ng isa sa dalawang truck na naharang sa livestock checkpoints sa Quezon City nitong weekend.         Ayon sa BAI, matapos ang pagsusuri, 11 baboy ang nakitaan na agad ng ASF infection bago pa isagawa […]